Ang American na psychiatrist at mental health coach na si Dr. Alok Kanojia, mas kilala online bilang si Dr. K, ay isa sa tatlong stand-ins para sa Evil Geniuses sa The International 10 (TI10).

Tinulungan ni Dr.K ang Evil Geniuses sa 2021 DPC season bilang isang performance at mental health coach. Tinulungan niya ang team sa ONE Esports Singapore Major pati na rin sa WePlay AniMajor. Naging second ang Evil Geniuses sa mga tournaments na ito.

Naging parte si Dr. K ng eight-man pod ng Evil Geniuses sa TI10

Dr. K at Evil Geniuses
Credit: WePlay! Esports

Sa TI10, bawat teams ay maaring magkaroon ng eight-man pod para sa tournament. Kasama dito sa pod na ito ay limang players para sa team at tatlong myembro ng organisasyon. Para sa Evil Geniuses, ang nasa pod nila ay sina coach Kanishka Sam “BuLba” Sosale, manager Wilson “Fronz” Teng, at mindset coach na si Dr. K.

Sa isang stream kasama si Dr. K, ibinahagi niya sa mga viewers kung magkakasakit ang isang myembro: “If one person gets COVID, then BuLba is gonna have to play. If another person gets COVID, then Wilson is the second standin. If three people catch COVID, it looks like it’s gonna be Dr. K playing.”

Isang streamer si Dr. K ng mga laro niya sa Dota 2. May isang highlight sa isang play na ginawa niya bilang Crystal Maiden kung saan nakakuha siya ng kill sa kalaban na Lone Druid para sa team niya. Maganda sana kung nakita natin ang mga plays na ito sa match laban ang PSG.LGD.

Ang Team Aster lang ang team na gumamit ng stand-in 

Credit: ONE Esports

Maganda sana makita na mag-step up si Dr. K para sa Evil Geniuses sa kanilang pinaka-importantent tournament sa Dota 2, ngunit nagkaroon din naman ng malaking epekto ang eight-man pod sa tournament.

Hindi naka-attend ang midlaner ng Team Aster na si Liu “White丶Album_白学家” Yuhao sa unang araw ng group stage dahil siya ay gumagaling pa lang sa COVID-19.

Naging stand-in ang kanilang assistant coach na si Chen “86” Yuxuan sa unang araw ngunit hindi naging maganda ang resulta. Natalo ang Team Aster sa lahat ng kanilang opening games at nahirapan hanggang sa bumalik si White丶Album.

Interesado kaming malaman kung pag-iisipan ng Valve na I-adjust ang mga rules sa kung ilang stand-ins ang pwede para sa mga teams sa TI. 

Gusto mo pa ba ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary na ihinatid ng foodpanda.