Madali makilala ang mga pamilyar na Dota 2 hero sa ikalawang season ng DOTA: Dragon’s Blood ng Netflix, pero kung pag-uusapan si Viceroy Kashura, isang karakter na orihinal sa palabas, tila maraming detalye ang madaling mapalampas tungkol sa kanya.
Sa unang tingin, si Kashurra ay hamak na matandang lalaki lamang na madalas tawagin si Mirana bilang “sunbeam”. Iyan ay bago niya ilabas ang tunay niyang anyo.
Babala: ang sumusunod na paksa ay naglalaman ng spoilers.
Sino si Viceroy Kashurra?

Noong unang lumabas sa serye si Viceroy Kashurra, ipinakilala siya bilang isa sa mga pinakamatagal nang kakampi ni Mirana. Tinulungan din niya umano itong tumakas sa Helio Imperium at nagsilbi bilang advisor ng naka-upo sa trono.
Lingid sa kaalaman ng lahat, may binabalk din palang masama ang karakter na nagsilbi bilang isa sa mga pangunahing kontra-bida sa Book 2 ng DOTA: Dragon’s Blood.
Isang Void Dragon na winasak ng Nemesis Stones

Hindi bababa sa 3,000 ang edad ni Kashurra. Isa lang siyang normal na Void Dragon na “no will” at “no voice,” hanggang sa makita niya niya ang Nemesis Stones—ang Radiant ore at Direstone. Pagkatapos nito, winasak siya ng Thunder, isang kanta na lahat ng dragon ay nakakarinig.
Binigyan siya ng Nemesis Stones ng kakaibang lakas at isang boses, kapalit ng pagkakawasak niya gawa ng creation’s light. Ito ang dahilan kung bakit siya nasa Helio Imperium, ang lugar kung saan matatagpuan ang Solar Throne na pumupuri sa Sun, a at mga Worldwurm na gumawa sa mga Eldwurm.
Ang tunay na anyo ni Viceroy Kashurra ay nakutuban ni Auroth, ang Winter Wyvern. Binago rin kasi siya ng Radiant ore, kaya’t kaya niyang magsalita at magkatawang-tao.
Si Kashurra ay hindi si Byssrak, ang Void Eldwurm

Bagamat magkamuka ng panglabas na anyo sina Byssrak at Kashurra, may matibay na ebidensiya na hindi sila iisa.
Imortal ang mga Eldwurm pero hindi sila nananatili sa iisang katawan. Imbes, lumilipat ang kanilang kaluluwa, kapag mahina na ang ginagamit nilang katawan, sa pinakamatandang dragon na katulad nila. Ito ay kinumpirma ng DOTA: Dragon’s Blood creator na si Ashley Edward Miller.
At nasaan ang kaluluwa ni Byssrak? Ito ay nahuli at kinulong ni Invoker noong ikatlong episode ng Book 2, na pinamagatang “The Lady of Situations,” matapos niyang makumbinse ang Chaos Dragon na si Vahdrak na traydurin ang kanyang mga kapatid.
Bukod dito, makikilala rin si Byssrak sa pamamaraan nitong magsalita. Pa-isa-isang salita lang kasi ang binibigkas nito, ‘di tulad ni Viceroy Kashurra na mas makata at ‘di hamak na mas magaling mang manipula.
Obsessed si Viceroy Kashurra kay Mirana

Maraming kagusto-gusto sa karakter ni Mirana sa palabas, pero iba ang pagka-obsessed ni Viceroy Kashurra.
Na-realize niya kasi mula sa kanyang pagkaka-exile mula sa Thunder, na wala siyang ipinaglalaban, lalo na’t ang mga dragon, bilang Pillars of Creation, ay nakakonekta lahat sa Sun. Dahil dito, sinubukan niyang punan ang pagkukulang na ‘to kay gamit si Mirana.
Hindi lang kasi Princess of the Moon, o Princess of the Sun, si Mirana. Siya ang katawang-tao ng Eye, ang Sun, at source of creation mismo. Lahat ng balak ni Kashurra ay para makakuha ng kapangyarihan mula sa Sun at makoronahan si Mirana bilang Empress.
Bakit si Mirana ang Sun? ‘Di pa ito nasagot sa pinakahuling season, pero konektado ito sa kuwento ni Selemene, ang dati niyang diyosa noong siya ay Princess of the Moon pa.
Si Selemene ay usurper ng totoong goddess of the moon, si Mene, at ngayon si Mirana ay nakabalik na sa totoo niyang posisyon bilang ang Sun. Mukang dito magpapatuloy ang kuwento ng susunod na season.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.