Pumasok na sa professional Dota 2 scene ang North American esports organization na TSM FTX matapos kunin ang roster ng Team Undying.

Kilala ang naturang organisasyon sa mga napagtagumpayan nila sa League of Legends, kabilang na ang pangingibabaw nila sa LCS at ilang kampanya sa Worlds. Matapos ang 13 taon, inanunsyo ng TSM FTX ang pagkuha nila sa koponang pinangungunahan ni David “MoonMeander” Tan Boon Yang.

https://twitter.com/tsm/status/1486036164637302785

Nabuo ang Team Undying noong nakaraang Dota Pro Circuit. Napatunayan ng koponan na isa sila sa pinakamalakas sa rehiyon, kasama ng Evil Geniuses at Quincy Crew. Kahit walang sponsor, nagawa nilang makalaban sa The International 10 kung saan nagtapos sila sa 13th-16 place.

Sa kabila ng mababang resulta, walang nagbago sa roster ng Team Undying papasok sa kasalukuyang DPC.


Dota 2 roster ng TSM FTX

Dota 2 roster ng TSM FTX
Credit: Valve
  • Enzo “Timado” Gianoli O’Connor
  • Jonathan Bryle “Bryle” Santos De Guia
  • Jonáš “SabeRLight-” Volek
  • David “MoonMeander” Tan Boon Yang
  • Kim “DuBu” Doo-young

Patuloy naman ang paningibabaw ng Team Undying sa NA matapos nilang tuldukan ang kampanya sa unang tour ng DPC 2021-2022 Division I sa ikalawang puwesto. Kaakibat nito ang US$100,000 na premyo at 380 DPC points.

Babandera sa unang pagkakataon ang nasabing Dota 2 roster bilang TSM FTX sa DPC Regional Finals kasama ang Quincy Crew, Evil Geniuses, at 4Zoomers. Nakatakda itong ganapin simula ika-18 hanggang sa ika-20 ng Pebrero.

BASAHIN: TI11 magtatampok ng 20 koponan at revamped format