Pili lang ang mga hard carry sa Dota 2, pero mukhang kaya rin ni Tusk na i-angat ang kanyang weight class na kapantay sa kanila.
Binigyan tayo kamakailan ng dalawang premyadong Chinese teams sa Dota Pro Circuit (DPC) 2021-2022 Division 1 ng isa sa pinakamalupit laro at isa sa pinakamalaking comebacks ngayong taon. Ito’y matapos tapyasin ng PSG.LGD ang 32,000 gold deficit nito kontra sa Royal Never Up para ma-preserba ang kaninang perpektong kartada sa Winter Tour.
Bagamat nawalis ng PSG.LGD ang serye sa iskor na 2-0, ang dalawang koponan ay nagdwelo sa isang 80-minute na salpukan sa Game 2 na pwedeng ikonsidera bilang isa sa pinakamagandang laro ngayon taon kahit pa tatlong linggo pa lang ang lumilipas sa 2022.
Pinangunahan ni position-4 support Zhao “XinQ” Zixing ang epic na comeback na ‘to ng The International 10 runner-up. Walang tigil na in-stun ng support-turned carry na Tusk ni XinQ ang Faceless Void ng kalaban na talagang nagpahanga sa mga manonood.
Naging hard carry ang Tusk ni XinQ para buhatin ang PSG.LGD laban sa RNG

Pumabor sa Royal Never Give Up ang laro papunta sa late game at habang patuloy na tumataba ang mga core nila, tila nagkakaproblema naman ang hard carry ng PSG.LGD.
Habang mas lalong tumatagal ang laro, lalong humihirap para sa Luna ni Wang “Ame” Chunyu na makipagsabayan sa Faceless Void ni Zhong “God-King” Liushuai dahil bumuo ito ng Eye of Skadi at Butterfly–mga item na tinuturing bilang anti-Luna.
Pero laging “to the rescue” ang Tusk ni XinQ na nililigtas si Ame at kanyang mga kakampi gamit ang Snowball. Kalaunan kinailangan na mismong siya ang magpatumba sa Faceless Void para mabuhay ang lahat sa kanila.
Sa bandang 71-minute mark ng laro, parehong pumupwesto ang mga koponan sa paligid ng Roshan pit. nakita ni God-King ang oportunidad na talunan ang Venomancer ni Zhang “Faith_bian” Ruida’s Venomancer, na nagpapakawala ng pinakamataas na damage at nakakapang-asar sa mga team fight. Kaya naman sinugod niya ito gamit ang Time Walk.
Ngunit handa ang Tusk ni XinQ at agad kinontra si God-King gamit ang apat na Walrus Punch kaya napwersa itong pindutin ang kanyang Black King Bar para makaiwas sa iba pang damage. Sa kabila nito, napababa rin ang kanyang HP at naging dahilan ito para mag-back siya kahit pa ginamit na niya ang kanyang Refresher kaya naman ligtas na nakuha ng LGD ang mga gantimpala mula kay Roshan.
Sa 77-minute mark, muling sinugod ni God-King si Faith_bian at nahuli niya ito ng Chronosphere. Ngunit sakto ang pagkakagamit ni Zhang “y`” Yiping (Bane) ng Book of Shadows para iligtas siya at nabigyan ng oras ang Tusk ni XinQ para hintaying mawala ang Chrono.
Dalawang beses napalipad ng Walrus Punch mula sa Tusk ni XinQ si God-King at na-bash pa ito para mailigtas si y. At dahil na-cast ni Faith_bian ang Poison Nova, mabilis na bumaba ang HP ng RNG at dito na pumasok ang LGD para tapusin ang laro matapos ang 80 minutong bakbakan.
Bagamat sa parehong pagkakataong ito ay hindi napatay ng Tusk ni XinQ ang Faceless Void, napababa niya naman ang buhay nito at pinuwersa paalisin. Nailigtas ng kanyang mga initiation ang mga kakampi niya at napatakbo si God-King kaya nagkaroon ng tsansa ang ibang miyembro ng LGD na tapusin ang trabaho.
Sulit ang kakaibang build sa Tusk ni XinQ

- Tranquil Boots > Power Treads at 55 minutes
- Blink Dagger > Swift Blink at 72 minutes
- Black King Bar
- Assault Cuirass
- Moon Shard
- Skull Basher
Armado ng matinding attack speed at Level 25 talent (12% chance to proc Walrus Punch on regular attacks), halos na-solo kill ng Tusk ni XinQ ang Faceless Void ni God-King sa dalawang magkaibang okasyon.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga balita at guides patungkol sa Dota 2.