Ito’y pagsasalin ng orihinal na artikulo ng beteranong Dota 2 pro player at batikang analyst na si Dominik “Black^” Reitmeier.

Naghahanap ka ba ng gabay kung sino ang pipiliin sa ONE Esports DPC CN Fantasy Challenge? Narito si Dota 2 pro player at analyst Dominik “Black^” Reitmeier para tulungan ka sa pamamagitan ng kanyang opisyal na DPC CN Power Rankings.

Ganito niya niranggo ang mga koponan sa China Tour 1 Division 1, ang isa sa pinakamalakas na regional league sa Dota Pro Circuit (DPC):


DPC CN Power Rankings ni Black^

1. PSG.LGD

PSG.LGD No. 1 sa DPC CN Power Rankings ni Black^
Credit: Perfect World

Ang PSG.LGD ang dapat na paborito ngayon. Walang binago ang LGD sa kanilang roster at wala ring pagbabago sa patch kaya asahan na masaksihan ang parehong powerhouse na nakita natin noong nakaraang taon.

Nasa pinakataas ang koponang ito dahil sa kanilang strategical prowess katambal ang matinding individual talent. Hinahabol din nila ang mailap na kampeonato sa TI, kaya naman siguradong magtatrabaho at maglalaan sila ng maraming oras para itama ang kanilang mga pagkakamali sa mga nakaraang kampanya.

2. Team Aster

Ngayong lumipat na si LaNm sa coaching at kinuha ng koponan sina Siamese Cat at Ori, mayroon na ang Team Aster ng lahat ng pyesa para magtagumpay.

Ang Aster ay isa rin sa mga pinaka-versatile pagdating sa hero picks at strategy kaya dapat madali lang na makapasok sila sa Major (sa kasamaang palad, kinansela ng Valve ang Winter Major). Dinomina nila ang Chinese scene noong nakaraang season subalit pumalya silang magkaroon ng impact pagdating sa international tournaments.

3. RNG

Talagang promising ang bagong bersyon ng Royal Never Give Up (RNG). Mayroon silang tatlong beterano at dalawang batang talento, na tila isang recipe sa tagumpay.

Mas lumakas si Somnus ngayon at sa gabay nila Chalice at xNova, dapat makalaro sa kanilang buong potensyal ang kanilang mga bagitong manlalaro.

Ang pinakamalaking problema na pwedeng kaharapin ng koponan na ito ay wala silang tradisyonal na captain kaya maaring ang mga draft nila at shotcalling ay pwedeng magkulang.

4. IG

Credit: Perfect World

Maaaring magulat ang iba na nasa ikaapat ang IG sa listahan na ‘to, pero naniniwala ako na ang pag-alis ni kaka ay isang malaking problema para sa kanila. Sa mga nakalipas na torneo, nahirapan sila ‘pag wala ang kanilang captain at in-game leader.

Malupit pa rin naman sila pagdating sa individual level, pero kung gusto nilang talunin ang pinakamagagaling sa rehiyon ay kakailanganin pa nilang hasain ang kanilang galawan.

5. VG

Matapos mawala ang halos lahat ng kanilang manlalaro, bumuo nang panibagong grupo ang Vici Gaming. Dahil marami silang baguhan, siguradong makakaranas ng experience issues ang koponan.

Naniniwala ako na kailangan nila ng isa o dalawa pang season nang magkakasama para makuha ang kanilang cohesion sa lebel na tutulungan silang makasabay sa mga malalakas sa liga. Sa ngayon, wala pa sila doon.

6. EHOME

Credit: Perfect World

Karamihan sa kanilang players ay nanggaling sa Phoenix Gaming, na nakaakayat mula Division 2 papunta sa Division 1. Malaki ang in-improve ng mga manlalarong ito sa kasagsagan ng nakalipas na season. May potensyal sila para makakuha ng upset wins, pero ang mga manlalarong ito ay hindi pa nasusubukan ng mga pinakamalakas sa rehiyon.

Dahil ‘di pa alam ang kanilang ceiling, nilagay ko sila sa mababang parte ng listahan ngunit inaasahan ko rin na magdudulot sila ng gulo ngayong season.

7. LBZS

Isang koponan na nalaglag mula sa Division 1 pababa sa Division 2, lumaban ang LBZS para mabawi ang kanilang pwesto. Trinabaho nila ang mga problema nila sa nakaraan at lumakas din pagdating sa indibidwal na aspeto.

Pero sa kabilang ng kanilang improvements, ‘di ko pa rin nakikita na kaya nilang talunin ang karamihan sa mga koponan sa Division 1 sa kasalukuyan. Gayunpaman, kung patuloy silang mag-i-improve, pwede silang makasulot ng ilang panalo.

8. Phoenix Gaming

Matapos umalis ng karamihan sa kanilang players para magtungo sa EHOME, kinailangan ng Phoenix Gaming ng panibagong grupo. Bagamat magaling sila pagdating sa individual level, kulang pa sila sa team play, captaining at strategic prowess na mayroon ang mga koponan sa nasa taas ng power rankings na ‘to.

Malamang ay lalaban sila para maiwasan ang relegation, pero gusto kong makita na makagawa sila ng magic at pahirapan ang higher-tier teams. Ang pinakamalakas nilang katangian ngayon ay wala masyadong nakakaalam ng kanilang drafting style at playstyle.


Para sa iba pang istorya tungkol sa Dota Pro Circuit, maaari niyo itong makita sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.