Nakahanap na ng bagong tahanan ang Chinese midlaner na si Lu “Somnus丶M” Yao sa Royal Never Give Up matapos mag-disband ang Elephant bago ang bagong season ng Dota Pro Circuit League.

Nag-reunite sa ilalim ng nasabing koponan sina Somnus丶M pati na rin ang dati niyang kakampi sa PSG.LGD noong 2018 hanggang 2019 na sina Yang “Chalice” Shenyi at Yap “xNova” Jian Wei. Nakatakdang makipagbakbakan ang Royal Never Give Up sa Division I ng DPC CN 2021-2022.

Credit: Valve

Dota 2 roster ng Royal Never Give Up para sa Tour 1 ng DPC 2021-2022

  • Zhong “圣子华炼” Liushuai
  • Lu “Somnus丶M” Yao
  • Yang “Chalice” Shenyi
  • Chong “FelixCiaoBa” Wei Lun
  • Yap “xNova” Jian Wei

Ang nakaraang DPC season ng Royal Never Give Up

Ang nakaraang DPC season ng Royal Never Give Up
Credit: Perfect World

Bababa sana sa Division II ng unang Tour ang Royal Never Give Up kung hindi na-transfer sa kanila ang Division I slot na para sana’y sa Elephant.

Bagamat maganda ang naging panimula ng koponan noong unang season ng DPC 2021 matapos maka-alpas mula sa Lower Division, bigo naman itong makapagpakitang-gilas sa Upper Division. 

Nagtapos kasi sa ikapitong puwesto ang kanilang kampanya noong huling season ng DPC at bigo rin ang koponan na makadalo sa The International 2021 matapos kapusin sa regional qualifier ng China.

Samantala, lumipat naman ang dating miyembro ng Royal Never Give Up na sina Deng “Dstones”‘ Lei at Su “Flyby” Lei sa Spark Arrow Gaming, na sasabak sa Division II. Napadpad naman sa Aster.Aries ang singko ng koponan na si Ru “RedPanda” Zhihao.

Napunta naman Neptune Gaming ang slot na naiwan ng koponan sa Division II ng DPC CN 2021-2022.


Nakatakdakdang magsimula ang bakbakan sa  Division II ng DPC CN 2021-2022 Tour I sa ika-29 ng Nobyembre. 

BASAHIN: Bagong Dota 2 roster ng OG pagbibidahan ng dalawang 16-year-old pros