Free agent na ang mga manlalaro ng Dota 2 team na Elephant matapos magpasya ang organisasyon na ilipat sa ‘inactive’ state ng kanilang koponan matapos ang nakadidismayang resulta noong nagdaang competitive season.

Inilathala ng organisasyon ang naturang desisyon sa opisyal nilang account sa Weibo, isang sikat na Chinese social media website. Ayon sa post, bagamat ayaw ng mga player na tapusin agad ang kanilang kampanya bilang koponan, nagkasundo naman ang mga ito na mag-reset para sa susunod na season.

Dagdag ng post, ang linya raw sa pagitan ng nais nilang mangyari at ang realidad ang nagtulak sa kanilang i-disband na lang ang team.

Chinese All-Star Dota 2 team na Elephant disbanded na
Credit: Valve

Ang roster ng disbanded Dota 2 team na Elephant

  • (1) Zhang “Eurus” Chengjun
  • (2) Lu “Somnus丶M” Lu Yao
  • (3) Zhou “Yang” Haiyang
  • (4) Xu “fy” Linsen
  • (5) Xie “Super!” Junhao
  • (Coach) Bai “rOtK” Fan

Terminated na rin daw ang mga kontrata ng player sa koponan para hindi na mahirapan ang mga ito na lumipat ng team.

Sa ngayon, meron pa rin daw players ang Dota 2 team na Elephant na stranded sa Romania dahil sa mga travel restriction dulot ng COVID-19.


Ang 2021 Dota 2 season ng Elephant

Ang 2021 Dota 2 season ng Elephant

Marami ang nagulat nang unang ianunsyo ang Dota 2 team na Elephant noong Oktubre ng nakaraang taon. Pinangunahan kasi ito nina Somnus丶M at fy, dalawang batikang manlalaro mula sa PSG.LGD.

Ngunit sa kabila ng mga malalaking pangalan na bumuuo sa koponan, hindi ito nakapagtala ng magandang resulta sa kahaban ng 2021 Dota Pro Circuit. Bigong maka-qualify ang Elephant sa dalawang Major tournaments ng taon kaya’t hindi ito naka-ipon ng sapat na DPC points para maging directly qualified sa The International 10.

Bagamat pinalad pa ring makapasok sa taunang Dota 2 world championship matapos pangibabawan ang China qualifier, bigo pa ring makapagtatag ng magandang resulta ang koponan.

Ang 2021 Dota 2 season ng Elephant
Credit: Valve

Natapos lang kasi sa 13th-16th place ang kanilang kampanya matapos ma-eliminate ng Evil Geniuses sa unang round ng lower bracket.

Ang nasabing placing ay ang pinakamababang nakamit nina Somnus丶M at Super sa The International.


Sa oras ng paglathala, aalamin pa kung saang koponan lilipat ang mga player ng Elephant.

BASAHIN: Tatlong beses na mas malaki ang TI prize pool earnings ng China kumpara sa Russia