Tampok sa isang infographic na inilathala ng Stan Tyan ang listahan ng mga bansa na nakapaglaro sa The International (TI) at ang prize pool earnings ng mga ito.

Makikita dito kung paanong ang US$52 milyon, o higit PHP₱2 bilyon, ng kabuuang US$180 million, o higit PHP₱9 bilyon, ng TI ay prize pool ay napanalunan ng Chinese teams.

Sa katunayan, tatlong beses na mas malaki ang TI prize pool earnings ng China kung ikukumpara sa pumapangalawang bansa na Russia.

Ang mga datos sa likod ng TI prize pool earnings infographic

Importanteng malatag kung paano nga ba pinagpaparte-partehan ang TI prize pool earnings. May dalawang factors na kailangan i-consider para dito.

Una, ang infographic ay nakabase sa nationality ng mga player at hindi ng isang team. Halimbawa, kung ang PSG.LGD na isang Chinese team, ay mayroong Malaysian player na si Cheng “NothingToSay” Jin Xiang, ang lahat ng prize pool earnings ni NothingToSay ay maka-count para sa kanyang bansa at hindi sa China.

Ang ikalawang factor ay ang mga manlalaro na may dual citizenship. Para sa kapakanan ng infographic, ang ginamit na nationality ay kung anong nakalagay sa kanilang Liquipedia page.

Gross winnings ang nakalagay sa graphic na TI prize pool earnings kada player. Ibig sabihin, wala dito ang lima o 10 porsyentong cut na kadalasang kinukuha ng mga esports organization.

3 dahilan kung bakit malaki ang TI prize pool earnings ng China

TI prize pool earnings ng China kumpara sa ibang mga bansa
Credit: Stan Tyan

Nangunguna ang China sa mahabang listahan ng mga bansang nakakuha ng bahagi ng TI prize pool. Kung titignan ang mga koponang lumalahok sa TI, maiintindihan kung bakit malaki ang TI prize pool earnings ng China kumpara sa ibang mga bansa.

1. Kadalasang puno ng Chinese players ang mga Chinese teams

Sa limang Chinese teams na sumalang noong TI10, tatlo dito ay pinupuno ng Chinese players. PSG.LGD at Invcitus Gaming lang ang lumahok sa paligsahan na may Malaysian members.

Noong TI9 naman, apat na Chinese teams ang nakalahok at sa 20 manlalaro nito, 18 ay mula sa China.

2. Mas maraming naipadalang players ang China sa The International

TI prize pool earnings ng China
Credit: Stan Tyan

Ang top four na bansang may pinakamaraming representative sa TI ay ang mga sumusunod:

  • China — 223
  • Malaysia — 64
  • United States — 61
  • Russia — 55

Kahit pagsama-samahin ang mga manlalaro ng Malaysia, USA, at Russia, na 180 players, mas marami pa rin ang sa China.

3. Malakas na Dota 2 region ang China

PSG.LGD sa TI10
Credit: Valve

Ito ang pinaka-obvious na dahilan kung bakit malaki ang TI prize pool earnings ng China.

Sa tatlong TI na nagdaan, isa ang PSG.LGD sa mga paboritong mag-uwi ng Aegis of Champions. Bagamat hinihintay pa rin itong matupad, patunay ang kanilang consistent podium finish sa tikas ng bansa.

Noong TI10, tatlo sa top six teams ay mula sa China. Noong TI9 naman, dalawa mula sa top six teams ay mula sa China, at noong TI7, apat mula sa top six teams ay mula sa China.

Bagamat hindi pa muling nakakapag-angat ng Aegis of Champions ang rehiyon simula noong TI6, parati pa rin pasok sa top three ang China.

Gutom ka pa ba sa Dota 2 action? Panoorin ang Heroes of the Game documentary presented by foodpanda.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Pag-uga ng mesa at tactical trash bags parte ng mind games noong TI1