Isang dekada na ang nakalipas nag ganapin ang unang The International (TI1), wala pa noong chat wheels o sprays ang Dota 2 para i-tilt ang kalaban. Sa halip ay gumagamit ng ibang paraan ng mind games ang mga teams para sirain ang laro ng kalaban.

Ikinwento ng Team Secret captain na si Clement “Puppey” Ivanov ang mga tactics na ginagamit ng mga teams sa TI1 upang bwisitin ang mga kalaban saTI Memories video series ng Valve.

Ibang-iba ang Dota 2 at the International noon

Dota 2 Heroes

Malaki ang ipinagbago ng Dota 2 nitong nagdaang dekada.Bukod sa pagababgo sa gameplay dahil sa dagdag na heroes, mechanics, at balance updates, marami ring naidagdag tulad ng cosmetics, chat wheels, HUD updates, at terrains.

Iba rin ang competitive scene noong nakaraang dekada. Noon, ang mga tournaments ay ginaganap sa mga cybercafes at hindi ganoon kalakihan ang mga prize pool. Kahit sa TI1, ang pinakamalaking tournament noong panahon na iyon, ang magkalabang teams ay nasa iisang booth na naghahati sa iisang mesa na may salamin lamang sa pagitan.

Dahil sa magkasama lamang ang mga teams sa iisang pwesto, nakaisip ng iba’t ibang paraan ang mga teams para gamitin sa mind games sa panahon ng TI1.

Kasama ang mesa at trash bags sa mind games sa TI1

Dota 2 The International 2011 NaVi
Credit: Valve

Nasa iisang booth at mesa lamang ang mga teams sa mga matches ng TI1, kung kaya’t kung anu-anong paraan ang naisip ng mga teams upang sirain ang diskarte ng mga kalaban.

Ikinwento ni Puppey na sa kanialng match laban sa mga Chinese teams, inuuga ng mga Chinese teams ang mesa sa tuwing makakakuha sila ng kills o makakagawa ng plays. Kinalaunan ay ipinagbawal na ng tournament admins ang pag-uga ng mesa dahil nakakagulo ito sa lahat nang players.

Syempre, hindi magpapalamang si Puppey. Ginagantihan ng mga NaVi players ang pag-uga ng mesa sa pamamagitan ng pagtayo at pagsigaw sa tuwing nakakakuha ng pick off ang NaVi. At dahil isang manipis na salamin lamang ang pagitan ng dalawang teams, nakikita at naririnig ito ng kanilang mga kalaban.

Para naman iwasan ang mind games ng NaVi, nagdadala ang mga Chinese teams ng trash bags upang takpan ang salamin na pangharang. Sa ganitong paraan, hindi nila makikita ang kanilang kalaban.

Malaki na ang ipinagbago ng esports scene magmula nung panahon ng TI1. Nakakatuwang isipin kung ano pa ang mga pagbabagong mangyayari sa susunod na sampung taon at kung paano patuloy na lalago ang competitive scene.

Ang akdang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na katha.