Sa kongklusyon ng Regional Qualifiers, nakumpirma na ang 18 kupunan na sasabak sa The International 10.

Para sa iba, ito ang magiging unang tangka nilang iuwi ang Aegis of the Immortals. May iba namang pro na may karanasan na sa balagbagan sa The International. Ngunit wala sa kanila ang nakagawang daluhan ang lahat ng TI simula noong unang lumabas ito.

Si Clement “Puppey” Ivanov ng Team Secret ang makapagyayabang na nakagawa nito.

Testamento sa talent at tiyaga ni Puppey ang ang maging nag-iisang pro na nakalahok sa lahat ng bersyon ng pinakamalaking Esports event sa mundo. Isa itong dahilan kung bakit ang kapitan ng Team Secret ay itinuturing na best captain sa kasaysayan ng Dota 2.


Ultimate team captain at drafter si Puppey

Credit: Valve

Matapos ang kaniyang unang sabak sa The International, kinuha ni Puppey ang responsibilidad na maging team captain ng mala-alamat na Na’Vi team. Kahit tapos na ang panahon niya sa TI 1 champions ay dala pa rin niya ang titulong ito dahil sa gilas niya bilang drafter at shotcaller.

Hindi madali ang buhay ng team captain. Kinakailangan na ang isang player ay mayroong malawak na kaalaman sa mga hero matchups, abilities, item timings at marami pang iba.

Sa madaling salita, napakahalaga ng role na ginagampanan ng kapitan ng isang team at pinatutunayan ni Puppey, hanggang ngayon, na isa siya sa pinakamatikas sa larangang ito.


Specialty niya ang micro heroes

Hindi lang ang malalim na pagkakaintindi sa laro ang mayroon ang beterano. Mahusay din ang support player pagdating sa mechanical skills.

Sa katunayan, nasa listahan ng kaniyang signature heroes ang support heroes na Chen, Enchantress at Enigma, na ilan sa mga pinaka micro-intensive na heroes sa laro.

Sa pagkontrol ng maraming units, malaki ang naiaambag ni Puppey para sa kaniyang kupunan tulad na lamang ng vision sa mapa, control abilities at zoning.


Maximized lagi ang farm

Credit: Team Secret

Sa bawat laro na nilalahukan ni Puppey, tantiyado ng kapitan ang economic na aspeto ng laro. Senyales ang kaniyang maayos na networth  sa mga laro niya na, kaparis ng matalino niyang drafting at shotcalling skills.

Tipikal na nahihirapan sa economic na aspeto ang mga players sa role ni Puppey dahil binibigyang prayoridad ang core heroes para maka-farm. Madalas, dehado ang mga support players sa late game dahil sa kakulangan ng items at levels kaya naman kamangha-mangha ang kapitan ng Team Secret na nagagawang makasabay sa networth.

Sa katunayan, kung ikukumpara sila ng Yazied “YapzOr” Jaradat na position 4 player para sa kupunan, madalas na mas nakaka-farm pa si Puppey sa kaniya. May punto ang paghahambing na ito dahil kilala si YapzOr bilang agresibong support player na mabilis ding mag-farm.

Abangan si Puppey at ang Team Secret sa paparating na The International 10 na magsisimula sa October 7.