Panibagong season nanaman ng umaatikabong bakbakan ang naghihintay sa Dota 2 2022 DPC.

Inanunsyo ng Valve ang mga bagong panuntunin para sa Dota 2 DPC 2022, at kabilang sa mga ito ang schedule, tournament format, at prize pool distribution.

Bubuuin ang Dota 2 DPC 2022 ng Regional Leagues para sa Division I at Division II, at meron din itong tatlong Major tournaments.

Ano ang Dota 2 DPC 2022?

Ano ang Dota 2 DPC 2022?
Credit: Valve

Ang Dota Pro Circuit, o DPC, ay isang serye ng liga at turneo na kinatatampukan ng mga pinakamagagaling na Dota 2 players sa bawat rehiyon para maka-ipon ng puntos na gagamitin para maka-qualify sa susunod na The International.

Nauna itong inimplementa ng Valve noong 2017 para masemento ang daan papunta sa nasabing Dota 2 world championship. Tampok dito ang anim na Dota 2 regions—North at South America, Western at Eastern Europe, China, at Southeast Asia—at mahahati ito sa tatlong magkakaibang Tours.

Dota 2 DPC 2022 schedule

Kasama sa mga anunsyo ng Valve ang wekly schedule para sa Division I at Division II leagues ng Dota 2 2022 DPC.

Ang unang Tour ay gaganapin simula Nobyembre 29 hanggang January 23.

Ang ikalawang Tour ay gaganapin simula Marso 14 hanggang Abril 24.

Ang ikatlong Tour ay gaganapin simula Hunyo 6 hanggang Hulyo 17.

DIVISION IMONDAYTUESDAYWEDNESDAYTHURSDAYFRIDAYSATURDAYSUNDAY
1:00 AM GMT+8EEUWEUEEUWEU
4:00 AM GMT+8SANANASANA
7:00 AM GMT+8SANASASANA
10:00 AM GMT+8
1:00 PM GMT+8
4:00 PM GMT+8CNSEACNSEACN
7:00 PM GMT+8CNSEASEAEEUSEACN
10:00 PM GMT+8WEUWEUEEUWEUEEU
DIVISION IIMONDAYTUESDAYWEDNESDAYTHURSDAYFRIDAYSATURDAYSUNDAY
1:00 AM GMT+8WEUWEUSAEEUSA
4:00 AM GMT+8NAWEUSANA
7:00 AM GMT+8SANA
10:00 AM GMT+8
1:00 PM GMT+8CNSEASEACNSEACN
4:00 PM GMT+8CNSEA
7:00 PM GMT+8SEAWEUEEUWEUEEU
10:00 PM
GMT +8
EEUEEU

Ilalathala ng Valve ang mga schedule para sa tatlong Dota 2 Majors sa mga susunod na araw.

Dota 2 DPC 2022 tournament format

Dota 2 DPC 2022 tournament format
Credit: Valve

Depende sa tournament ang format ng susunod na Dota 2 DPC 2022.

Best-of-two, round-robin ang format sa Division I at Division II ng Regional Leagues.

Ang Dota 2 Major naman ay dadaluhan ng 18 sa pinakamahuhusay na teams mula sa Division I Regional Leagues. Narito ang mga stage ng nasabing Major:

Wildcard Stage

Tampok sa stage na ito ang anim na koponan na naka-qualify sa Division I. Aabante sa Group Stage ang dalawang teams na mangingibabaw dito.

Group Stage

Pasok sa Group Stage ang mga second-place teams mula Division I ng bawat rehiyon, pati na rin ang nabanggit na dalawang Wildcard winners.

Double round-robin ang format nito. Rekta sa playoffs ang top two teams, habang masi-seed naman sa lower bracket ang susunod na apat. Ang bottom two teams naman ay mae-eliminate sa turneo.

Dota 2 DPC 2022 prize pool

Sa Dota 2 DPC 2022, tampok ang US$280,000, o mahigit PHP 14 milyon, na prize pool. Paghahatian ito ng Division I at Division II teams sa Regional Leagues.

Iba-iba kada Tour ang malilikom na DPC points, dahil mas maraming points ang makukuha sa mga susunod na Tour.

DIVISION I PLACINGPRIZE POOL DISTRIBUTIONDPC POINTSRESULT
1st PlaceUS$30,000300/400/500 Qualifies to the Major Playoff Stage
2nd PlaceUS$28,000180/240/300 Qualifies to the Major Group Stage
3rd PlaceUS$27,000120/160/200 Qualifies to the Major Wildcard Stage
4th PlaceUS$26,00060/80/100 Qualifies to the Major Wildcard Stage
5th PlaceUS$25,00030/40/50 N/A
6th PlaceUS$24,000N/A N/A
7th PlaceUS$23,000N/ADemoted to Division II
8th PlaceUS$22,000N/ADemoted to Division II
DIVISION II PLACINGPRIZE POOL DISTRIBUTIONDPC POINTSRESULT
1st PlaceUS$17,000N/APromoted to Division I
2nd PlaceUS$16,000N/APromoted to Division I
3rd PlaceUS$15,000N/AN/A
4th PlaceUS$11,000N/A N/A
5th PlaceUS$9,000N/AN/A
6th PlaceUS$7,000N/A N/A
7th PlaceN/AN/AEliminated from Division II
8th PlaceN/AN/AEliminated from Division II

Narito naman ang distribution ng prize pool at DPC points sa bawat placement. Padagdag nang padagdag ang points na makukuha sa bawat Major na magdadaan.

PLACINGPRIZE POOL DISTRIBUTIONDPC POINTS
1st PlaceUS$200,000400/500/600 
2nd PlaceUS$100,000350/450/550 
3rd PlaceUS$75,000300/400/500 
4th PlaceUS$50,00250/350/450 
5th PlaceUS$25,000200/300/400 
6th PlaceUS$25,000200/300/400 
7th PlaceUS$12,500100/200/300 
8th PlaceUS$12,500100/200/300

Pagkatapos ng ikatlong Tour, ang top six teams na may pinakamaraming DPC points ay magiging directly qualified sa The International 11. Ang natitirang anim na spot naman, para makumpleto ang 12 teams, ay pagdedesisyunan sa last chance regional qualifier.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Hanggang November 21 na lang pwedeng mag-lock ng Dota 2 rosters para sa susunod na DPC season