May mga bagong update na inanunsyo ang Valve ukol sa susunod na Dota Pro Circuit season. Ilan sa mg aito ay ang DPC point distribution, regional slots, at paano makaka-qualify sa The International 11 (TI11).

Kasabay ng mga nasabing update sa DPC format, idiniin din ng Valve ang mga patakarang kailangan sundin para makapag-lock ng Dota 2 rosters at mga kaakibat nitong parusa kung magbabago ng players.

Dota 2 rosters, hanggang November 21 na lang pwede i-lock

Dota 2 rosters, hanggang November 21 na lang pwede i-lock
Credit: T1

Ayon sa Valve, para makasali ang mga competitive teams sa unang tour ng DPC, dapat daw ay makapag-submit ang mga ito ng kumpleto nilang Dota 2 rosters bago o sa mismong araw ng Nobyembre 21, 11:59 a.m. Pacific Time.

Binubuo ng Regional League at Major tournament ang isang tour. Sa dulo ng bawat Major, maaaring magtanggal ang isang koponan ng player sa kina-Martesan nito.

Muling magla-lock ang Dota 2 rosters kina-Lingguhan nito.

Ito raw ay para mabigyan nang sapat na oras ang mga player na maghanap ng bagong team kung nais pa nilang sumabak sa susunod na tour.

Meron ding 20% DPC points penalty ang mga koponang magtatanggal ng player pagkatapos mag-qualify sa Major.

Malaki ang penalty para makapaglaro nang may substitute

Malaki ang penalty para makapaglaro nang may substitute
Credit: ONE Esports

Pwede naman daw makapag-compete ang mga Dota 2 team sa Regional Leagues at Majors nang may sub, pero malaki ang penalty nito ayon sa Valve.

Sa Regional Leagues, maaaring makapaglaro ang sub ng isang team sa apat mula sa pitong mabuuang matches nang walang penalty. Kung kailangan pa rin ng koponan na maglaro nang may sub sa susunod nilang laban, disqualified na agad sila sa league at forfeited na rin ang lahat ng matches nila.

40% DPC points naman ang kaltas sa mga Dota 2 teams na maglalaro sa Major nang may substitute.

Isang koponan lang ang maaaring rumepresent sa isang organization

Isang koponan lang ang maaaring rumepresent sa isang organization
Credit: Team Nigma

Matapos ang merger ng Team Nigma at Galaxy Racer, muling klinaro ng Valve ang posisyon nila tungkol sa mga organization na may higit sa isang Dota 2 teams.

Sa DPC rules, inihayag nilang maaaring magkaroon ng multiple teams ang isang orgnaization sa Regional Leagues, pero isang koponan lang ang dapat mag-represent dito pagdating sa The International.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa susunod na DPC season, bisitahin lang ang opisyal na Dota 2 website.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Mamamangha ka sa Dota 2 Marci cosplay ni Ams