Inanunsyo ng Galaxy Racer at Team Nigma ang kanilang merger para maging Nigma Galaxy, ang bagong esports powerhouse.

Kilala ang Galaxy Racer bilang isa sa pinakamalaking esports, content, at lifestyle organization na naka base sa Middle East, North Africa, at Southeast Asia.

Samantala, ang Team Nigma naman, na founded ng mga kampeon ng The International 2017, ay kinikilala bilang ang pinakamalaking competitive gaming team sa rehiyon ng Middle East at North Africa (MENA).

Nigma Galaxy: Ang merger ng Team Nigma at Galaxy Racer

Nigma Galaxy
Credit: Nigma Galaxy

Pag-iisahin ng nasabing merger ang dalawang brands, pati na rin ang kanilang ambisyon para sa MENA region at international growth, habang pananatilihin pa rin ang visual identity ng bawat isa.

Ayon sa opisyal nilang press release, ang Team Nigma ay magiging Nigma Galaxy, ang esports team division ng Galaxy Racer na pangungunahan ng co-founds ng Team Nigma na sina Mohammed Morad, Christoph Timm, at Kuro “KuroKy” Salehi Takhasomi.

WePlay
Credit: WePlay

Bukod sa Dota 2 roster, may mga esports team din ang Galaxy Racer sa League of Legends, Valorant, Counter-Strike: Global Offensive, Free Fire, PUBG MOBILE, Battle Grounds Mobile India, at Fortnite.

Sa tulong ng malawak na karanasan ng Team Nigma, tutulungan nilang palaguin ang bawat ng roster ng players, kung saan kasama rin ang kasalukuyang Dota 2 roster ng Nigma.

“This merger will enable Nigma Galaxy to create a better support structure and provide upcoming talent with the resources needed for them to be able to pursue a career in the esports and gaming industry. This includes plans
to create and develop the Nigma Galaxy Academy, which will help nurture young gamers’ talent within the region,” dagdag ng organisasyon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang merger, magtungo lang sa opisyal na website ng organisasyon.