Inanunsyo ng captain ng Team Undying, si David “MoonMeander” Tan Boon Yang sa Twitter na hindi babaguhin ng team ang kanilang roster para sa paparating na 2022 DPC season.

Nag-qualify ang Team Undying para sa The International 10 (TI10) dahil sa kanilang malupet na run sa North America Qualifier matapos ang kanilang 9-0 sa upper bracket para makasungkit ng spot sa TI10.

Nagpasalamat si MoonMeander sa Valve at PGL sa kanilang pag-host ng TI10

Team Undying sa TI10
Credit: Valve

Sinimulan ni MoonMeander ang kaniyang TwitLonger sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Valve at PGL para sa kanilang trabaho sa TI10. 

Tinandaan niya ang malaking effort at safety precautions na ginawa nila, at sinabing, “As someone who saw the behind the scenes work, the amount of equipment for the mainstage, the crew, the safety measures that they took, they really did their best with what little time they had.”

Dapat gaganapin ang TI10 sa Sweden ngunit nangyari ito sa Romania tatlong buwan bago nagumpisa ang event.

“Moving forward, I’d like to thank the fans for a successful bootcamp, despite a poor TI result,” dagdag ni MoonMeander.

Nagkaroon ng isa sa pinaka-importanteng match sa group stage ang Team Undying

Team Undying
Credit: Beyond The Summit

Ang final match ng Team Undying sa group stage ay laban sa kanilang karibal sa North America na Evil Geniuses.

Kinailangan panalunin ng Evil Geniuses ang match 2-0 para magpwersa ng isang three-way tie sa T1 at OG Esports para magkaroon ng pagkakataon magka-spot sa upper bracket. Natapos ang serye sa isang 1-1 tie, at umangat ang OG at T1 sa upper bracket.

Ang performance ng Team Undying sa group stage ay nagbigay sa kanila ng mga panibagong fans mula sa Southeast Asia at Europe. Nagbahagi pa ang T1 ng isang video ng kanilang players na dinidiwang ang panalo ng Team Undying. 

Nagkaroon ng malakas na kalaban ang Team Undying sa kanilang unang serye sa lower bracket. Natalo sila sa best-of-one laban ang Fnatic, at na-eliminate sila sa TI10. Nagtapos sila 13-16th at naguwi ng USD$600,000.

Ang Dota 2 lineup ng Team Undying para sa 2022 DPC season

  • (1) Enzo “Timado” Gianoli O’Connor 
  • (2) Jonathan Bryle “Bryle” Santos De Guia 
  • (3) Jonáš “SabeRLight-” Volek 
  • (4) David “MoonMeander” Tan Boon Yang 
  • (5) Kim “DuBu” Doo-young 

Maaring basahin ng mga Dota 2 fans ang buong anunsyo sa TwitLonger page.

Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary na inihatid ng foodpanda.