Lumahok sina Lu “Fenrir” Chao at Ren “eLeVeN” Yangwei sa masasabing pinaka-intense na Dota 2 match of all time noong kinalaban ng EHOME ang Evil Geniuses sa game one, round two ng upper bracket sa The International 2016.

Naging isang brutal na 75-minute game ito na nakita ang dalawang teams magpakitang gilas sa kanilang kaalaman sa Dota 2. Sa huli, nakuha ng Evil Geniuses ang unang laro, at matindi ang epekto ng pagkatalo ng EHOME sa buong team.

Mas maikli ang game two na nagtagal ng 38 minuto lamang, isang one-sided na panalo para sa Evil Geniuses muli.

Limang taon matapos ang nakakalungkot na match ni eLeVeN, nakakuha siya at ang kaniyang dating teammate na si Fenrir ng pagkakataon makalaban ang Evil Geniuses ulit sa TI10.

Pero ngayon, nakapaghiganti na sila. 

Malakas ang simula ng Evil Geniuses laban ang Vici Gaming sa TI10

Evil Geniuses

Bago nagumpisa ang match, nagpresente ng impormasyon ang TI10 panel tungkol sa mga players bago sila sumabak sa match. Habang naglalaro pa din ng competitive Dota 2 si eLeVeN, ang kaniyang dating teammate na si Fenrir ay ang coach na ng Vici Gaming.

Pinagharap din ng match na ito si eLeVeN laban kay Daryl Koh “iceiceice” Pei Xiang, ang kaniyang dating kakampi sa legendary TI6 match. 

Naging sangayon ang unang laro para sa Evil Geniuses. Bagamat pantay ang laning stage para sa dalawang teams, nakapag-pop off si Azel “Abed” L. Yusop sa midlane sa Ember Spirit at nagbigay ng malaking espasyo para sa kaniyang team.

Nagkaroon ng labana nsa 18-minute mark kung saan pinatay ng Evil Geniuses ang lahat ng myembro ng Vici Gaming. Matapos ang malakas na performance na ‘to, nag-tap out na ang Vici Gaming, 22 minutos pa lang ang laro.

Sinalba ni eLeVeN ang Vici Gaming sa game two 

eLeVeN, Vici Gaming
Credit: WePlay! Esports

Pinili ni Ding “Dy” Cong si Enchantress at Monkey King para ma-counter ang vision na binigay ng Beastmaster ni iceiceice.

Natalo ang Vici Gaming sa game one dahil sa vision advantage ng kalaban, at hindi na nila uulitin ang pagkakamaling ito. Sa kabila ng mga counter picks nila, nagamit pa din ni iceiceice ang kaniyang Hawks para makakuha ng tatlong kills sa 17-minute mark.

Paunti-unting naging pabor ang game two sa Evil Geniuses, ngunit nag-step up si eLeVeN at pinaalala sa lahat kung bakit ang Vici Gaming ang isa sa pinakamahusay na teams sa China. 

Dahil sa kaniyang magandang blink at Skewer combo kay Magnus, nadala ni eLeVeN ang Razor ni Artour “Arteezy” Babaev sa kaniyang base para mapatumba ng kaniyang mga kakampi at mapigilan ang push.

Matapos ang malakas na base hold, napitas ng parehas na teams ang isa’t-isa, pero wala ni isa sa kanila ang nagkaroon ng higit as 5,000 gold advantage.

Sa kasamaang palad, nagkaroon ng issues ang Evil Geniuses sa huling parte ng laro. Habang ang carry at midlaners ng parehas na teams ay halos patas lang, mas nagbigay ng team fight ang Magnus kaysa sa Beastmaster.

Pinatunayan ni eLeVeN na dahil sa kaniyang matinding Skewer at Reverse Polarity combo, ang sure loss ng Vici Gaming ay naging isang panalo.

Na-counter ng Vici Gaming ang lahat ng moves ng Evil Geniuses sa game three

iceiceice, Evil Geniuses

Tied ang serye, 1-1, ngunit nagkaroon na ng momentum ang Vici Gaming sa pagsabak nila sa game three. 

Dahil inabangan na nila ang Beastmaster pick ng EG, binuksan ng Vici Gaming ang kanilang draft kay Monkey King at Enchantress katulad sa game two.

Dahil diyan, pinili ng Evil Geniuses si Legion Commander para kay iceiceice. Sa hero na ito, nakatakas pa siya sa isang three-man ambush sa unang parte ng laro.

Isa lang ang game plan ng Evil Geniuses: ma-farm si Arteezy at makapunta sa high ground. Hindi nila ginutom ang Vici Gaming, pero nagdesisyon silang tapusin ito nang mabilis dahil nahulaan na nila na magiging mabangis ang pag-scale Spectre ni Yang “poyoyo” Shaohan sa huli.

Ito ay isang risky na move, ngunit handa ang Vici Gaming. Naging perpektong Wukong Command ang support Monkey King ni Dy para sa kaniyang team, at naakit nila ang Evil Geniuses na labanan siya, ngunit ito ay naging isang bad fight sa Radiant high ground, kaya natalo sila sa game four.

Matapos niyan, napunta na ang pabor ng gold at experience advantage sa Vici Gaming. Ngayon na may kontrol na sila sa laro, natapos nila ito matapos ang 15 minuto.

Sunod na magtutuos ang Vici Gaming at T1 sa TI10 

T1
Credit: WePlay! Esports

Matapos ang kanilang panalo, nagusap-usap sina eLeVeN at Frankie Ward para I-discuss ang match. Noong tinaong siya kung nagkamali ba ang Evil Geniuses sa kanilang pagkuha ng Troll Warlord sa game three, sabi ni eLeVeN, “For this patch, Troll Warlord is not great. I know their backs are against the wall. It’s not a good choice.” 

Tinanong naman ni Frankie kung na-guilty ba siya dahil ineliminate niya sa tournament si iceiceice, ang kaniyang dating teammate mula as EHOME. 

Pabirong sinagot naman ni eLeVeN na, “If it’s someone else I’d feel sad, but since it’s iceiceice, it feels great.”

Ang susunod na TI10 match ng Vici Gaming ay magiging laban sa TI1 sa October 15. Panoorin ang lahat ng mga matches nang live sa opisyal na Twitch channel ng Dota 2 The International.

Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary ng foodpanda.