Maraming records ang nakamit sa The International 10 (TI10). Dito, nagkaroon ng kauna-unahang double rampage, ito rin ang unang beses na nagharap ang isang magkakapatid, at dahil kay Mira “Ephey” Riad, nagkaroon din dito ng kauna-unahang babae na naglaro sa The International main stage.

Nag-host ang The International (TI10) ng All-star match sa pangalawang huling araw ng tournament na nakakita ng pagharap ng mga broadcast talents sa isa’t-isa.

Ang match ngayon taon ay nilaro sa All Random Death Match, at pinaglaban ang mga English talents sa mga Russian talents.

Nirepresenta ni Ephey ang English broadcast talent sa Team Dragon 

Ephey kasama ang Team Dragon
Credit: Valve

Matagal nang isang Dota 2 streamer sa Twitch si Ephey. Lumipat siya sa professional casting ngayong taon at nag-debut sa WePlay AniMajor noong June 2021. 

Simula noon, nagtrabaho si Ephey sa ESL One Fall 2021 at OGA Dota PIT Season 5: China bilang isang analyst. Siya rin ay isang myembro ng English broadcast para sa TI10, at naglaro kasama ang kaniyang kapwa English talents sa Team Dragon.

Ito ang mga players ng Team Dragon: 

Gumamit ng 10 heroes si Ephey sa All-Star match 

Mga heroes na nilaro ni Ephey
Credit: Valve

Ang game mode para sa All-star match ng TI10 ay All Random Death Match. Ang espesyal sa mode na ito ay random ang hero na gagamitin ng player kapag sila ay namamatay. Para manalo, kailangan makakuha ng 45 kills ang team o mawasak nila ang trono ng kalaban.

Sinimulan ni Ephey ang match gamit si Chaos Knight at nagsagawa ng epektibong gank squad kasama ang kaniyang teammates. Nakapag-tank siya ng maraming spells para sa kakampi niyang si BSJ na nilinis ito sa kaniyng triple kill gamit si Dark Willow.

Nag-respawn si Ephey bilang si Arc Warden, at pagkatapos niyan ay si Keeper of the Light.  

Ginamit ni Ephey ang Keeper of the Light para makakuha ng importanteng laban sa top lane para sa kaniyang team kung saan nagkaroon siya ng fully channeled Illuminate na muntikan nang patayin ang Enchantress ni Sergey “Smile” Revin.

Ginamit ni Ephey ang Keeper of the Light para makakuha ng importanteng laban sa top lane para sa kaniyang team kung saan nagkaroon siya ng fully channeled Illuminate na muntikan nang patayin ang Enchantress ni Sergey “Smile” Revin.

Sa kaniyang paglaro ng total na 10 heroes sa laro, nag-tie si Ephey kasama sina BSJ, syndereN, Smile, at Oleksandr “XBOCT” Dashkevych para sa pinakamaraming heroes na nilaro, kasama sina Timbersaw, Bristleback, Phantom Assassin, Oracle, Riki, Abaddon, at Spirit Breaker.

Napunta ang match sa mga Russian talents, sa Thunderhide. Ito ay naging isang nakakaaliw na match at isa sa best All-Star matches na nalaro sa The International. 

Lalabanan ng Team Thunderhide ang Team Golen sa huling araw ng TI10. Maaring mahanap ng mga Dota 2 fans ang roster para sa Team Golem dito

Panoorin ang lahat ng mga matches sa opisyal na Twitch channel ng Dota 2 The International

Gusto mo pa ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary ng foodpanda.