Pahinga na mula sa competitive Dota 2 ang maalamat na manlalarong si Jacky “EternalEnVy” Mao matapos ang 10 taong karera kung saan pinangunahan niya ang ilan sa pinakamalakas na koponan sa North America.
Kinumpirma ng 31-year-old player, na naglaro para sa mga bigating koponan tulad ng Cloud9, Team Secret at Fnatic, ang kanyang retirement sa personal Twitter account niya.
Nasa hiatus si EternalEnVy noon pang Oktubre ng nakaraang taon. Huli siyang naglaro para sa Sadboys sa Dota Pro Circuit (DPC) 2021 season.
Ang ‘di makakalimutang FiftEE/FiftEE plays ni EternalEnVy

Kilala sa kanyang high-risk high-reward plays, isa si EternalEnvy sa pinakanakakaaliw na manlalaro sa Dota 2 professional scene.
Noong nasa Cloud9 pa siya, pinangunahan niya ang pagsisikap ng respetadong esports organization na makagawa ng pangalan sa Dota 2 sa ilang ulit niyang na paglalaro dito. Bagamat kilala bilang top-heavy region ang NA kung saan naghahari ang Evil Geniuses, ang Cloud9 squad ni EE kasama sina Wehsing “SingSing” Yuen, Kurtis “Aui_2000” Ling, Johan “pieliedie” Åström at Pittner “bOne7” Armand ay fan-favorite na kayang sumilat ng panalo laban sa kahit sinong koponan.
Pumasok sa eksena si EternalEnVy kasama ang No Tidehunter, na kalauna’y naging Alliance. Ang pinakamatagumpay na bahagi ng kanyang karera ay noong tinulungan niya ang Team Secret na pangibabawan ang Shanghai Major noong 2016.
Naglaro siya ng nakakakilabot na Terrorblade at Ember Spirit noong heyday niya at mahusay siya sa pag-maximize ng kanyang farm at efficiency sa laro. Kilala siya bilang isang highly-mechanical—ngunit bara-bara minsan—na carry player. Kaya naman binansagan na “FifTEE/FifTEE” ang ilan sa mga sumikat na risky plays niya.
Sa kabuuan, 16 na koponan ang nirepresenta ng kilalang Canadian player. Nagsilbi rin siya bilang coach para sa Thunderbirds, na binuo ng dating players ng The International 6 runner-up Digital Chaos, sa Kiev Major noong 2017.
Nakapaglaro si EternalEnVy sa limang edisyon ng TI kung saan 5th-6th place ang pinakamataas na pwestong naabot niya. Binandera niya ang Cloud9 para sa apat na edisyon ng Dota 2 world tournament habang tig-isa naman sa Team Secret at Fnatic.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.