Isa ang Fae Grenade sa mga bagong Neutral Item na lumapag sa Dota 2 kasama ng patch 7.30. Isa itong Tier 2 item na nagbibigay ng dagdag 20 movement speed at may active ability na Shadow Brand.

Ang Shadow Brand ay isang single-target ability para sa kalaban. Binabato nito ng granada ang target na magdi-deal ng regular spell damage base sa iyong attack damage. Mag-a-apply din ito ng debuff na magbibigay ng vision sa tatamaan pati na rin 20 damage per second sa loob ng pitong segundo. Meron itong 20 segundong cooldown at 25 na mana cost.

Narito ang aming Dota 2 guide kung bakit overpowered ang Fae Grenade dahil sa nasabing active ability.

3 gamit ng Dota 2 Tier 2 Neutral Item na Fae Grenade

Gamitin ang Shadow Brand para ma-track ang mga kalaban

Fae Grenade
Credit: ONE Esports

Gumagana katulad ng Track ni Bounty Hunter o Corrosive Haze ni Slardar ang Fae Grenade na nagbibigay ng vision sa kalaban.

Minamarkahan nito ang kalaban sa loob ng pitong segundo, bagay na makatutulong para mapabilis ang pagpitas. Mahaba-haba rin ang cast rage nitong 900, kaya’t mas maiging ibigay ito sa melee hero na madalas pumronta sa bakbakan.

Tandaan lang na hindi nagpo-provide ng True Sight ang Fae Grenade at maaari rin itong i-dispel.

Kontra Blink Dagger ang Shadow Brand

Fae Grenade. Me trying to use my newly bought blink dagger
Credit: ONE Esports

Bilang Tier 2 Neutral Item, nahuhulog lang ang Fae Grenade pagpatak ng 17 minuto. Ang parehong timing kung kailan makakabili na ng Blink Dagger ang mga kalaban at mas aktibo na ang bakbakan.

Dahil sa 20 damage per second, nagsisilbing counter ito laban sa mga initiator. Kung sino man ang tamaan ng Shadow Brand ay hindi makakagamit ng Blink Dagger sa loob ng 11 segundo, pwera na lang kung ma-dispel.

‘Di maipagkakaila na overpowered ang kakayahan ng libreng neutral item na makontra ang isang crucial na tig-2,250 gold na item.

Naka-base sa attack damage ng hero ang damage ng Shadow Brand

earthshaker
Credit: Valve

100% attack damage ang initial damage ng Shadow Brand. Kaya rin nito bumawas hanggang 140 + 100% ng attack damage ng gumagamit bilang damage bago ang reductions mula spell o damage resistance.

Dahil spell damage ang Shadow Brand, napapalakas din ang damage nito ng spell amplification. Sulit din ang item sa mga pumapalong hero gaya ni Sven na kayang palakasin ang kanyang attack damage gamit ang God’s Strength.

Sulit na pang-combo naman ang Fae Grenade para kay Earthshaker. Gumagana rin kasi sa Shadow Brand ang attack damage buff ng Enchant Totem kaya’t parang dalawang beses kang makaka-damage nito.

Maganda rin itong ibigay kay Bounty Hunter. Bukod kasi sa dagdag movement speed na malaki ang magiging tulong para sa tanyag na roamer, pumapares din ang Jinada sa active ability ng Neutral Item.

Parang Urn of Shadows naman ang bisa ng damage per second ng Fae Grenade kung gagamitin kasama ang Cold Snap ni Invoker.

Dating gumagana sa Sticky Napalm ang damage over time ng Fae Grenade ngunit nabalanse na ito ng Valve paglapag ng Dota 2 patch 7.30c.