Inanunsyo ng Team Undying ang pagsali ng kanilang bagong coach na si Kim “Febby” Yong-min, para tulungan sila sa kanilang pakikipagsapalaran para sa Aegis sa The International 10.

Ang dating coach ng TNC Predator ay kasalukuyang on-site kasama ang team sa Romania, at tinutulungan niya ang squad para maghanda sa pinakamahirap na tournament ng mga buhay nila.

Dadalhin ni Febby ang kaniyang veteran experience sa Team Undying para sa The International 
Credit: DreamHack

Naging parte si Febby sa roster ng TNC Predator bilang kanilang coach at minsang stand-in kung kinakailangan. 

Tinulungan niya masungkit ng team ang second place sa ESL Mumbai, at ang first place sa BTS Pro Series Season 4 matapos ang pagiging absent sa competitive Dota scene nang apat na taon. Kinuha niya ang MVP Award sa ESL Mumbai kahit na natalo ang team sa final.

Beterano din si Febby sa The International. Lumahok siya sa tatlong TI’s nang mayroong kahanga-hangang fifth place finishing sa TI6. Ang experience na ito ay maaring maging krusyal para sa Team Undying na mayroong mga first-time TI players na lalahok sa tournament.

Team Undying’s Dota 2 roster
  • Enzo “Timado” Gianoli O’Connor 
  • Jonathan Bryle “Bryle” Santos De Guia 
  • Jonáš “SabeRLight-” Volek 
  • David “MoonMeander” Tan Boon Yang 
  • Kim “DuBu” Doo-young