Hinirang na kampeon ng BTS Pro Series Season 7: Southeast Asia ang Galaxy Racer matapos nilang kumpletuhin ang reverse sweep kontra Fnatic, 3-2, sa best-of-five grand final ng playoffs.

Hindi ininda ng koponan ang pagkakadehado nila sa nasabing serye kahit pa ang kanilang kalaban ay ang nagwagi sa SEA qualifier ng The International 10, matapos i-reverse sweep din ang grand final.

inYoudream, binuhat ang Galaxy Racer sa Game Three

Galaxy Racer inYourdreaM
Credit: DreamHack

Mabilis na mga panalo ang kinuha ng Fnatic para buksan ang dalawang unang laro ng serye.

Sa kabila ng panganib na kinaharap noon ng Galaxy Racer, nakuha ni Muhammad “inYourdreaM” Rizky na mag-step up bilang Magnus. Crucial ang Horn Toss play niya bandang 30-minuto ng laban upang mahuli ang Leshrac ni Ng “ChYuan” Kee Chyuan at makapasok sa high ground ng kalaban.

Bagamat napabayaang maka-score ang kalaban, hindi naman basta nagpakita ng kahinaan ang Fnatic pagpasok ng ika-apat na mapa. Pantay ang laban bandang 25-minuto, hanggang sa nakuha ng mga ito ang kalamangan salamat sa clutch na Sunder ng Terrorblade ng Marc Polo Luis “Raven” Fausto.

Nagmukang ito na ang katapusan para sa Galaxy Racer lalo na nung nakuha rin ng kanilang kalaban ang ikalawang Roshan. Sa kabutihang palad, mapagana nila ang Divine Rapier sa Medusa ni inYourdreaM na lumusaw sa mga miyembro ng Fnatic. Hindi nila kinaya ang makating damage nito kaya’t napilitan silang pumasok sa huling mapa ng serye.

Supports ng Galaxy Racer bumida sa Game Five

Parehong sumandal sa ultra-late game carries ang dalawang koponan para sa huling laban ng serye. Terrorblade pa rin ang pinalaro para kay Raven habang Spectre naman ang pinangtapat dito ni inYourdreaM.

Madaling nakalamang sa laro ang Fnatic matapos maka-Godlike ng Kunkka ni ChYuan. Sila rin ang unang nakabasag ng barracks sa top lane ng Galaxy Raxer bago ituon ang kanilang atensyon sa mid lane.

Pero hindi basta-basta hinayaan ni Wilson “Poloson” Koh Chin Wei na masunod ang kagustuhan ng kanilang kalaban. Clutch ang kanyang Cold Embrace sa Nyx Assassin ni Tri “Jhocam” Kuncoro pati na rin ang Winter’s Curse kay ChYuan na nauwi sa matagumpay na depensa.

Matapos ang laban sa mid barracks ng Dire, nagdesisyon ang parehong koponan na isalalay sa Roshan ang laban. 

Matapos ang mahabang bakbakang ito, apat na buybacks agad ang ginamit ng Fnatic, kumpara sa isa ni inYourdreaM. Sinamantala ng Galaxy Racer ang kalamangan nilang ito, lalo na’t tapos na ang Metamorphosis ng kalabang Terrorblade.

Nag-all-in ang Galaxy Racer sa Roshan, at salamat sa support duo nina Poloson at Jhocam, nahuli nila ang tatlong miyembro ng Fnatic sa isang chain stun. Hindi na nagtagal bago malinis ng mga ito ang kalaban at makamtan ang kampeonato.

Galaxy Racer, ang kampeon ng BTS Pro Series Season 7: SEA

Galaxy Racer BTS Pro Series Season 7: SEA champions
Credit: BTS Dota

Matapos ang ilang podium finishes, nasungkit na rin sa wakas ng Galaxy Racer ang kauna-unahan nilang championship title ngayong taon. Nag-uwi rin ang mga ito ng US$20,000, ang pinakamalaking bahagi ng USD$50,000 na prize pool ng turneo.

Galaxy Racer Dota 2 Roster

Galaxy Racer BTS Pro Series Season 7: SEA champions
Credit: Galaxy Racer SEA
  • Muhammad “inYourdreaM” Rizky
  • Vincent “AlaCrity” Hiew Teck Yoong
  • Galvin “Mizu” Kang Jian Wen
  • Wilson “Poloson” Koh Chin Wei
  • Tri “Jhocam” Kuncoro