Matapos ang isang nakakakumbinsing performance sa WePlay AniMajor Wild Card stage, patuloy na sinasakop ng Team Nigma ang labanan sa Group Stage.

Hinarap ng European team na ito ang kapwa nilang Wild Card inner, ang Vici Gaming, at tinuruan nila ang Chinese squad kung paano mag-speedrun sa isang Dota 2 Major series.

 
Down ang enemy barracks matapos ang 15 na minuto? #JustTeamNigmaThings

Kung gusto mong tapusin ang mga normal mong laro na kasingbilis ng mga Turbo games mo, ang kailangan mo lang gawin ay tanungin ang Team Nigma. Sinimulan nila ang kanilang WePlay AniMajor Group Stage Day 3 run sa pagharap sa Vici Gaming sa isang mabilisang best-of-two na serye.

Credit: WePlay Esports

Ang Enchantress ni Kuro “KuroKy” Takhasomi, ang Dragon Knight ni Ivan “MinD_ContRoL” Ivanov, ang Terrorblade ni Igor “iLTW” Filatov, ang Rubick ni Maroun “GH” Merhej, at ang Razor ni Amer “Miracle-” Al-Barwaki ay pinalunan ang kaniya-kaniyang lanes sa unang laro ng serye.

Ang on-point Impetus ni KuroKy ay ang nagpush sa Team Nigma, lalong-lalo na sa mga importanteng mid-game team fights.

Ang kanilang agresibo at impeccable na rotations ang nagpanalo sa kanila ng pinakamabilis na match sa WePlay AniMajor tournament so far. Ito ay natapos sa 16:28 matapos nag-GG ang Vici Gaming.

Umuulan ng teamwipes para sa Team Nigma 

Credit: Team Nigma

Pinatuloy ng Nigma ang kanilang pag-speenrun sa seryeng ito sa pangalawang laro nila sa pamamagitan ng pagparusa sa Vici Gaming.

Nakita sa 14-minute mark ang labanan sa pagitan ng Timbersaw ni MinD_ContRoL, Phoenix ni GH, at Dragon Knight ni Miracle- laban sa Mars ni Ren “old eLeVeN” Yangwei, Lina ni Zeng “Ori” Jiaoyang, Dark Willow ni Xiong “Pyw” Jiahan, at Elder Titan ni Ding “Dy” Cong.

Sa kabila ng pagkaroon nila ng disadvatange sa mga numero, nabaliktad pa din ng Nigma ang labanan para maging pabor sa kanila. Ang key moment ay noong nagdulot ng massive damage ang Chakram ni MinD_ContRoL sa tatlong Vici Gaming members.

Kahit na naging sobrang low na ni Miracle- sa huling parte ng teamfight, nag-survive pa din siya sa tulong ng Earth Spike ni KuroKy, at tinapos nila ang clash nang may five-man wipe.

Ilang minuto matapos ang labanan, winasak ng Team Nigma ang Vici Gaming muli sa mid lane, at pinwersa nila ito na tumawag ng GG sa 23-minute mark.

Ilang minuto matapos ang labanan, winasak ng Team Nigma ang Vici Gaming muli sa mid lane, at pinwersa nila ito na tumawag ng GG sa 23-minute mark.

Naging bida ang Timbersaw ni MinD_ContRoL sa match na ito, at nagdulot ito ng 19.6k damage laban sa enemy heroes ng Vici Gaming.

Binasag ng Team Nigma ang mga ties at nanatili sa second-place

Credit: WePlay! Esports

Dahil sa kanilang 3-1 performance sa Day 3 ng Group Stage, nananatili ang Team Nigma sa likod ng PSG.LGD sa second place nang may 8-4 record.