Ang mga hero sa Dota 2 ay kilala sa pagiging madaldal, palaging nagbibigay ng mga komento sa iba pang mga hero, at sa iyong mga aksyon. Sa Hero Chat Wheel, makakakuha ka ng access sa ilan sa pinakakilalang linya ng iyong paboritong hero.

Ang Dota 2 Hero Chat Wheel ay may mga linya na eksklusibo para sa mga kakampi, at mayroon ding ibang linya na ipinapadala sa buong mapa para sa lahat ng 10 players. Ito ay naghahatid ng matinding aliw, at kung minsan ay panggigigil, kung ikaw ay nasa kabilang dulo na tumatanggap nito.

Narito ang paraan kung paano magkaroon ng access ang mga Dota 2 players sa kanilang Hero Chat Wheel.



Paano ma-access ang Hero Chat Wheel sa Dota 2

Matapos ang Dota Plus update ng Valve noong October 15, 2020, lahat nang players ngayon ay may access sa Shards at Hero Levels sa kanilang mga hero.

Ang mga manlalaro na walang bayad na subscription ay makakakuha lamang hanggang sa level five, na nagbibigay sa iyo ng dalawang voice lines.

Ang mga may bayad na subscription ay may karagdagang pitong voice lines na maaaring ma-unlock. Ngunit kailangan ng konting pagsusumikap para makarating doon, kabilang ang paglalaro ng mga games at pagkumpleto ng mga quest na may kinalaman sa partikular na hero.

Dota 2 settings for Hero Chat Wheel
Screenshot ni Dexter Tan/ONE Esports
  • Buksan ang settings sa Dota 2 na matatagpuan sa upper left corner ng iyong game client.
  • Sa ibaba ng middle section, i-bind ang iyong Hero Chat Wheel sa iyong napiling key.
  • Gamitin ang keybind na iyon sa loob ng game upang ma-access ang wheel.
Dota 2 hero chat wheel Pangolier
Screenshot ni Dexter Tan/ONE Esports

At ayan na, mayroon ka nang access sa chat wheel sa game at maaari mo itong gamitin nang kahit gaano kadalas na nais mo.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Topson kumpirmado na sa active roster ng Tundra, may bagong teammates