Kilala ang mga heroes ng Dota 2 bilang madaldal at laging may komento sa ibang heroes at sa mga actions mo. Sa Hero Chat Wheel, may access ka sa iilan sa mga pinaka-iconic lines ng paborito mong hero. 

Mayroong lines ang Dota 2 Hero Chat Wheel na para lamang sa mga kakampi na pwedeng gamitin para sa lahat ng 10 players. Pinagmumulan ito ng aliwan at minsan inis, kung ikaw ang sinasabihan nito. 

Ito ang isang gabay kung paano magkaroon ng access ang mga Dota 2 players sa Hero Chat Wheel. 

Paano ma-access ang Hero Chat Wheel sa Dota 2 

Ayon sa Dota Plus update ng Valve noong October 15, 2020, lahat ng players ay may access na sa Shards at Hero Levels ng hero mo. Ang mga players na walang paid subscription ay maari lamang umabot sa level 5 na magbibigay saiyo ng dalawang linya. 

Ang mga mayroon namang paid subscription ay magkakaroon ng dagdag na pitong voice lines na pwedeng ma-unlock. Ngunit kailangan I-grind ang iba sa pamamagitan ng paglaro ng games at pag-clear ng quests gamit ang hero na gusto mo. 

Dota 2 Hero Chat Wheel settings
Screenshot ni Dexter Tan/ONE Esports
  • Buksan ang settings sa Dota 2 na nasa kaliwang tuktok ng iyong game client. 
  • Sa ilalim ng middle section, I-bind ang iyong Hero Chat Wheel sa iyong napiling key. 
  • Gamitin ang keybind in-game para ma-access ang wheel 
Dota 2 Hero Chat Wheel
Screenshot ni Dexter Tan/ONE Esports

At ayun na. Maari mo nang I-spam ang chat wheel in-game kung kailan mo gusto.