Inanunsyo kamakailan ng Philippine Esports Organization (PESO) ang IESF World Championship 2021 Philippine National Qualifier.

Ang International Esports Federation (IESF) ay nagdaraos ng taunang tournament na kinabibilangan iba’t-ibang esports organization mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Para sa taong ito ang mga larong kabilang sa tournament ay Dota 2, Counter-Strike: Global Offensive, eFootball PES Series, at Tekken 7.

Ang lahat nang events ay mangyayari online at magaganap mula August 19 hanggang 22.

IESF EsportsWorldChampionship Dota2 poster
Credit: PESO

Ang finals ng Esports World Championship ay gaganapin sa Eilat, Israel sa huling bahagi ng 2021. Matatandaan na dito rin dapat magaganap ang global final games noong nakaraang taon ngunit hindi ito natuloy ayon sa desisyon ng IESF, Israeli Esports Organization, at Maccabi World Union. Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga players sa gitna ng nagaganap na global pandemic.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa IESF World Championship 2021 PH National Qualifier, maaring bisitahin ang website o i-follow ang Facebook page ng PESO.