Naging importante ang superstar carry player ng Evil Geniuses na si Artour “Arteezy” Babev sa tagumpay ng kaniyang team noong nag-debut sila sa Group Stage ng WePlay AniMajor.

Sa katunayan, mag-isa niyang iniba ang resulta ng laro noong nahuhuli na ang Evil Geniuses sa TNC Predator. 

Arteezy sa kaniyang game-saving Sunder play na nagbigay ng panalo sa Evil Geniuses

Credit: WePlay! Esports

Matapos makakuha ng 1-0 lead sa TNC Predator, mabilis na nahuli ang Evil Geniuses laban sa kanilang Pinoy na kalaban para simulan ang game two.

Habang nahihirapan ang ibang players ng Evil Geniuses, nagpatuloy mag-pokus sa farming si Arteezy sa Terrorblade at pinatiling malapit ang labanan.

Ito ay hanggang sa nakalamang ang TNC Predator matapos ang isang clutch cheese-pass play ni Jun “Bok” Kanehara na nakasagip sa Spectre ni Kim “Gabbi” Villafuerte.

Matapos patumbahin ang Terrorblade ni Arteezy, mabilis na nakakuha ng momentum ang TNC Predator at nakakuha sila ng 10,000-gold at 18,000-experience na lamang laban sa Evil Geniuses sa 40-minute mark.

Dahil alam nila na matatalo na ang Evil Geniuses, nag-smoke gank ang TNC Predator at nag-pokus muna sa enemy support heroes.

Alam ni Arteezy na ang nagiisang pagkakataon para mapanalo ng TNC Predator ang laban ay kung siya ang huling nabubuhay na hero sa team nila. Ito ang dahilan kung bakit siya ay nag-Sunder Abed sa Dragon Knight para manatiling buhay ang mga teammates niya.

Sa pamamagitan ng pagpalit ng health kay Abed, in-activate ni Arteezy ang kaniyang Satanic at nakuha niya muli ang kaniyang health. Nagulat ang TNC Predator dito, at sila ay nagkalat at natalo sa laban.

Matapos nito, agad-agad na nirush ng Evil Geniuses ang Radiant Base, kung saan inulit ni Arteezy ang kaniyang play, at nailigtas niya si Abed. 

Walang binatbat ang Filipino squad sa huling sandali ng laro, at dinomina ng Terrorblade ni Arteezy ang bawat team fight. Tinapos pa ng superstar hard carry ng Evil Geniuses ang laro gamit ang isang Rampage.

Nagsimula ang WePlay AniMajor Group Stage sa isa pang four-way tie 

Ang heroics ni Arteezy ang nakatulong sa Evil Geniuses para makakuha ng 3-1 para tapusin ang unang araw ng WePlay AniMajor. 

Ang PSG.LGD, Team Nigma, at Vici Gaming ay tied din sa kanila para sa first place sa kanilang pare-parehas na record. 

Ang isa pang kalahati ng Group Stage teams ay nakakuha rin ng 1-3 records at sila ay tied para sa fifth place. 

Credit: WePlay! Esports

Ang team na may pinakamahirap na set ng matches sa day two ng Group Stage ay ang TNC Predator. Ang Filipino Squad na ito ay kakalabanin ang Team Nigma, PSG.LGD, at beastcoast.

Matapos mahuli sa day one, kailangan manalo ng isang serye ang TNC Predator kung gusto pa nila makaalis sa Group Stage.