Ang nakakatuwa at nakakaaliw na paraan ng pag-communicate ni ana sa OG ay ibinunyag ng kaniyang teammate na si Sébastien “Ceb” Debs matapos nilang makakuha ng malaking panalo.
Sa isang post-game interview matapos talunin ng OG ang Team Secret sa Week 4 ng DreamLeague Season 15 DPC Europe Upper Division, ibinahagi ni Ceb kung paano gumagamit ng expressions si Anathan “ana” Pham para gumawa ng mahahalagang in-game decisions.
Ipinaliwanag ni Ceb na, dahil hindi vocal sa team ang kanilang carry player, tinawag nila itong ‘ana soundboard’. Ginagamit ng team ang kanyang reactions para masukat ang mga sitwasyon na nangyayari in-game.
Ang ana soundboard
- Oh – kahulugan: di inaasahang resulta; parang sinasabing “Maybe we should go back in?”
- Aww – kahulugan: get out
- *malalim na paghinga* – kahulugan: hindi ko alam kung anong mangyayari
“We were half joking about it, but it became half serious,” sabi ni Ceb.
Kahit saan mo tignan, ang two-time TI-winning carry player ng OG ang bumuhat sa kanila sa DPC 2021 season 2. Kasalukuyang tabla ang OG at Team nigma sa third place na may record na 3-2.
May dalawa pang matches na natitira para sa OG. Lalabanan nila ang Team Nigma sa May 16, 3:00 a.m. GMT+8.
Susundan ito ng closing match ng DreamLeague Season 15 DPC Europe Upper Division laban sa Team Liquid sa May 20, 12:00 a.m. GMT+8.
Mapapanood sila ng live sa official Twitch channel ng DreamLeague.