Ibinihagi ni Team Spirit captain-hard support Yaroslav “Miposhka” Naidenov ang kanyang opinyon patungkol sa Dota 2 patch 7.30c partikular na sa pagdagdag kay Dawnbreaker sa Captain’s Mode.

Pinakilala si Dawnbreaker sa Dota 2 noong April 9 at siya ang pinakabagong hero na naidagdag sa laro. Mula noon, nakaranas siya ng balance changes at sa wakas ay nailagay sa Captain’s Mode sa pinakabagong patch na nilabas noong September 11.


Naniniwala si Miposhka na masyadong malakas ngayon si Dawnbreaker

Credit: Team Spirit Twitter account

Hindi pa nangyayari sa Dota 2 na ang isang hero ay makakaranas ng kanyang unang competitive debut sa pinakamalaking torneo sa buong mundo, ang The International. Kadalasan, ang mga hero ay nilalaro muna sa kahit isang Valve-sponsored na kompetisyon bago sumalang sa TI.

Lalaktawan ni Dawnbreaker ang trial phase na iyon at tutungo diretso sa The International 10. At dahil walang DPC o major event, kakailanganin ng mga koponan na malaman agad kung paano sasakto ang hero na ito sa meta ngayong wala na sa isang buwan bago lumarga ang TI10.

Pinaliwanag din ni Miposhka ang mga kalakasan ni Valora.

“Dawnbreaker is a really strong hero in the early game and I think everyone will pick her as a position 3,” sabi niya.

Sasabak si Miposhka at ang Team Spirit sa The International 10 matapos magharu sa Eastern Europe Qualfier. Sundan ang koponan sa Twitter para sa mas marami pang update.

Maaari niyong mabasa ang orhinal na akda ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.