Nakaranas na ang The International (TI10) ng Dota 2 ng maraming firsts. 

Ito ang kauna-unahang TI na walang live audience, ito ang unang TI na may pre-recorded opening speech mula kay Gabe Newell, ang presidente ng Valve. Isa pang first para sa kasaysayan ng TI ay ang pag-cast ni Michelle “Moxxi” Song sa TI10 main stage.

Ang Dota 2 caster na si Moxxi ang kauna-unahang babae na mag-cast ng play-by-play sa isang serye sa English broadcast ng The International.

Makasaysayan ang pag-cast sa main stage ng TI10 talent na si Moxxi  

Moxxi sa TI10
Credit: Michelle Song

Nag-cast si Moxxi kasama si Kevin “Purge” Godec para sa upper bracket best-of-three na serye sa pagitan ng Team Secret at Invictus Gaming. 

Maliban sa kaniyang kaniyang red outfit at red lips, namangha ang mga loyal at bagong Dota 2 fans sa kaniyang mahusay na casting. Ang match na ito ang kaniyang play-by-play cast debut sa TI10 stage.

Si Austin “Capitalist” Walsh ang naka-schedule mag-cast ng serye, ngunit nagkasakit siya bago magumpisa ang broadcast. Si Moxxi ang pumalit sa kaniya, at ito ay naging isang di malilimutang play-by-play cast sa Dota 2 history.

“Although my chance arose from a sad situation, I was able to prove that I was worthy of the main stage,” sabi niya sa kaniyang Instagram post.

“Not everyone was a fan but the amount of support I received was intense, proving that, despite the vocal minority, women who are skilled are celebrated and respected.”

Kilalanin si Moxxi, ang reyna ng SA Dota 

Moxxi sa TI10
Credit: Michelle Song

Bago ang kaniyang big break sa TI10, si Moxxi ay isang amateur caster noong 2013 pa. Siya ay paunti-unting sumikat matapos mag-cast para sa alternative broadcast ng The International 7 ng The Caster Crucible.

Ngayon, siya ay pinangalanang reyna ng South American region ng Dota 2 dahil sa kaniyang papel sa SA Dota qualifiers sa mga nakaraang taon. 

Sundan si Moxxi sa kaniyang Twitter account para sa karagdagang impormasyon tungkol sa SA Dota 2 scene.

Dagdag pa diyan, maaring panoorin ng mga Dota 2 fans ang The International nang live sa opisyal na Multicast stream, main stream, secondary stream, tertiary stream, at quaternary stream ng Valve.

Gusto mo pa ba makakita ng aksyon sa Dota 2? Panoorin ang Heroes of the Game documentary ng foodpanda.