Sumali sa BOOM Esports ang Southeast Asian veteran na si Chai “Mushi” Yee Fung bilang ang kanilang bagong team coach.

Papangasiwaan niya ang star-studded roster para sa paparating na DPC season, ngunit paano siya magdadala ng success sa team?

Mayroong mahigit isang dekada na experience sa paglalaro ng Dota 2 si Mushi simula pa 2011.

Dadalhin ni Mushi ang kaniyang malagong competitive experience at kaalaman sa BOOM Esports bilang kanilang new coach

Nalaro na niya ang lahat ng roles sa isang competitive na lebel, at kilala siya sa pagiging mid at carry. Dagdag pa diyan, naging captain din siya at siya ang may final say sa drafting at siya rin ang bahala sa galaw ng team in-game.

Mushi
Credit: Valve

Sa career niya, naglaro siya kasama ang mga Dota 2 legends na sina Ng “YamateH” Wei Poong, Xu “BurNIng” Zhilei, at Zhang “LaNm” Zhicheng.

Dahil sa kaniyang experience sa competitive Dota 2 scene at anim na appearances sa TI, isa siya sa mga kaunting players na naging coach na mayroong experience na maibabahagi sa kaniyang team.

Strong contenders ang BOOM Esports sa Southeast Asia sa paparating na 2022 DPC 

Kahit na sila ay nasa proseso pa ng paghahanap ng carry player para kumpletuhin ang team, nagmumukhang major contenders ang BOOM Esports sa paparating na 2022 DPC.

Binubuo ng mga pinakamahusay na players sa Southeast Asia at ngayon na ginagabayan na ng legendary M-God, abangan niyo ang BOOM ngayong season.

BOOM Esports Dota 2 roster para sa 2022 DPC season

  1. TBA 
  2. Erin Jasper “Yopaj” Ferrer 
  3. Saieful “Fbz” Ilham 
  4. Timothy John “Tims” Randrup 
  5. Rolen Andrei Gabriel “skem” Ong 
  6. Chai “Mushi” Yee Fung (Coach)