Nagdesisyon ang Natus Vincere na ibangko muna ang buo nilang Dota 2 roster matapos itong mabigo sa regional qualifier ng The International 10. 

Nauwi lamang sa 5th-6th place finish ang CIS organization sa nagdaang qualifier para sa taunang Dota 2 world championship sa kabila ng pagkuha nila kina Vladimir “No[o]ne” Minenko at Akbar “SoNNeikO” Butaev mula AS Monaco Gambit bilang paghahanda dito.

Nauna nang umalis sa koponan si SoNNeikO noong ika-15 ng Hulyo at ang mga sumusunod na manlalaro na lang ang ibinangko:

  • Alik “V-Tune” Vorobey 
  • Vladimir “No[o]ne” Minenko
  • Roman “RAMZES666” Kushnarev
  • Vladimir “RodjER” Nikogosian 

Nais ng koponan na baguhin ang kanilang approach sa paparating na Dota Pro Circuit.

NAVI COO nagsalita tungkol sa kanilang Dota 2 team

NAVI COO Aleksey “xaoc” Kucherov
Credit: Natus Vincere

Sa isang video, ipinaliwanag ng Chief Operating Officer ng NAVI na si Aleksey “xaoc” Kucherov ang kalagayan ng kanilang Dota 2 team pati na rin ang kanilang susunod na hakbang ukol dito.

“After the unsatisfying performance in The International 10 qualifiers, the Navi esports club transferred the Dota 2 roster to inactive,” sabi ni xaoc. “We have also decided to change our approach towards the discipline as a whole, and invited a person to take over this initiative for NAVI.”

Sinagot din ng opisyal kung bakit hindi sagot para sa kanila na iwan na lang ang Dota 2 kahit matagal-tagal na simula noong magkaroon ng magandang resulta ang koponan.

“Our legacy is huge and we have a lot of fans in the CIS who love Dota. We want to make a strong team that is able to produce good results in the international scene and we’re looking for the best approach,” paliwanag ni xaoc.

Matatagpuan ang buong niyang pahayag sa video na ito:


Matatandaang ang NAVI ang kauna-unahang kampeon ng The International. Nagwagi ang koponan na binubuo nina Ivan “Artstyle” Antonov, Danil “Dendi” Ishutin, Oleksandr “XBOCT” Dashkevych, Clement “Puppey” Ivanov, at Dmitriy “LighTofHeaveN” Kupriyanov noong 2011.