Nagpaalam na ang Natus Vincere kina Vladimir “RodjER” Nikogosian, Roman “RAMZES666” Kushnarev, at coach Andrii “Mag” Chipenko, ilang araw matapos gawing inactive ang kanilang Dota 2 roster. 

Nanggaling ang anunsyo mula sa Chief Operating Officer ng NAVI na si Aleksey “xaoc” Kucherov. Nauna na rin nilang pinagdesisyunang i-rebuild ang nasabing koponan bilang paghahanda sa susunod na season. 

Ang pahayag ni xaoc tungkol sa pag-alis nina RodjER, RAMZES666, at Mag

NAVI COO Aleksey "xaoc" Kucherov
Credit: NAVI

Pinasalamatan ng COO ng organisasyon ang mga nasabing manlalaro. Pinagusapan din ang kanilang mga plano para sa hinaharap.

“Due to the shift in TI10 dates, we have plenty of time until the start of the next season. We are considering various options for the future of NAVI in the discipline while forming a new roster,” sulat ni xaoc.

“Our paths with Mag, RodjER, and RAMZES666 diverge from now on. We are grateful to the guys for their performance in NAVI and wish them the best of luck in their future teams.”

Ano ang nangyari sa NAVI noong nakaraang DPC season?

Noong Setyembre ng nakaraang taon, lumaban ang NAVI sa OGA Dota PIT Season 3 kung saan nagtapos sila sa ika-apat na puwesto. Maganda ang resultang ito sa kabila ng magulong taon.

NAVI Dota 2
Credit: General Instagram

Sinundan nila ito ng mas malakas na second-place finish sa ESL One Germany. Nagpatuloy ang kanilang tagumpay sa OGA Dota PIT Season 4 kung saan hinirang silang kampeon matapos walisin ang OG sa best-of-five na grand final.

Nagdesisyon ang organisasyon na i-upgrade pa ang kanilang roster sa tulong ng mga mas kilalang player. Sinipa nila sina Viktor “GeneRaL” Nigrini, Bogdan “Iceberg” Vasilenko, and Andrii “ALWAYSWANNAFLY” Bondarenko upang makuha sina Roman “RAMZES666” Kushnarev, Vladimir “No[o]ne” Minenko, and Akbar “SoNNeikO” Butaev.

Pero sa huling dalawang beses na nakapaglaro ang koponan sa The International 10 Eastern Europe Qualifier at ESL One Upper Division Season 2, ika-anim na puwesto lang ang kanilang kinaya.

ex-NAVI Dota 2 members RAMZES666 at Mag
Credit: ONE Esports at StarLAdder

Ang inactive roster ng NAVI

  • Vladimir “No[o]ne” Minenko
  • Alik “V-Tune” Vorobey