Inilabas na ni Valve ang Nemestice, ang pinakabagong event game para sa Dota 2, kasabay ng 2021 Dota 2 Battle Pass.

Ano nga ba ang Nemestice?

Sa video trailer ni Valve, makikita si Hoodwink na inaagaw ang isang compass mula kay Arc Warden nang may bumagsak na meteorite. Ang compass na pala ito ay nagtuturo kung saan tatama ang misteryosong heavenly body.

Ganoon din ang scenario sa laro. Kada tatlong minuto mula sa simula ng laban, may babagsak na meteorite sa mapa.

Kailangan ng mga manlalarong kunin ang mga fragments mula dito, na tinatawag na Nemestice Embers, habang iniiwasan ang bumabagsak pang mga meteorites.

Nagbibigay ang mga fragments ng Embercharge, na pinatataas ang attack damage, spell amplification, at movement speed ng mga nakakakuha nito.

Para manalo, kailangan ng mga manlalaro na sirain ang towers ng kanilang kalaban para mas madaling ma-control ang lugar na pinagbabagsakan ng meteorite.

Nemestice 2021 Dota 2 Battle Pass Event Game
Credit: Valve

Pinalalakas din kasi ng nasirang tower ng kalaban ang sarili niyong tower, bukod pa sa nababaling nito ang atensyon ng mga Neutral Creeps na pinalalakas ng meteorite.

Available ang bagong event game para sa lahat ng Dota 2 players.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Nemestice at 2021 Dota 2 Battle Pass, bisitahin ang official website ng Dota 2.