Nakatanggap ng malalaking pagbabago ang mga Neutral Item paglapag ng Dota 2 patch 7.30.

Simula nang ma-introduce ito noong 7.23, mainit na usapan ang Neutral Items para sa laro. Mahirap kasi balansehin ang RNG mechanic nito at kadalasan ay unfair pa nga lalo na pagdating sa professional scene.

Mangilang beses na rin sinubukang ayusin ang mga ito at hindi exception ang patch 7.30 dito. Narito ang ilang sa mga pinakabagong efforts ng Valve upang ma-balance ang Neutral Items sa Dota 2:

Ang pagpapakilala ng bagong Neutral Items sa Dota 2 patch 7.30

Removed and New Neutral Items on Dota 2 patch 7.30
Credit: ONE Esports

Noong patch 7.28, 14 Neutral Items ang tinanggal sa laro at pinalitan ng 14 bago. Ngayon, walong bagong items naman ang na-introduce kasabay ng pagkakatanggal ng walo rin.

Kabilang sa mga tinanggal ang Minotaur Horn (Tier 4), Illusionist Cape (Tier 4), at Ballista (Tier 5). Sa tamang hero, maaaring maging overpowered ang mga nasabing Neutral Items. Nagbibigay kasi ang mga ito ng resource at stats na kayang magbaliktad ng laban.

Para naman sa mga bagong nadagdag, kakailanganin pa ng mas mahabang oras para malaman kung gaano nga ba ito kalakas o kahina.


Limang Neutral Items na ang nalalaglag kada tier

Dota 2 gameplay update 7.30 poster
Credit: Valve

Ang pinakamalaking reklamo ng mga pro player sa Neutral Items ay kung gaano ito ka-inconsistent. Kung mamalasin, maaaring kasing hindi lumabas ang kailangan ng inyong koponan, habang makukuha naman ng inyong mga kalaban ang Neutral Items na talaga nilang kailangan.

Ang ganitong pagkakataon ay naganap sa pagitan ng Natus Vincere at Team Liquid noong Leipzig Major 2020. Nabiyayaan ang Morphling ni Michael “miCKe” Bu ng Apex sa kanyang Morphling kaya’t kinaya nito mang-normal nang higit 1000 damage habang hindi masyado tinatablan ng physical damage.

Para mapataas ang tsansa na maging pantay ang kalidad ng Neutral Items na makukuha ng parehong koponan, dinagdagan ng Valve ng isa ang mga drops kada level.

Dahil dito, lahat na rin ng 10 hero sa mapa ay makakapag-equip ng Neutral Items sa oras na maging available ito pagsapit ng ika-pitong minuto ng mga laro.


Ang malaking nerf sa Flicker sa Dota 2 patch 7.30

  • Pinataas ang cooldown mula sa apat na segundo, ngayon ay limang segundo na
  • Magbi-blink in place na lang kung ang naka-equip ay nakatanggap ng damage mula sa player o kay Roshan sa nakalipas na tatlong segundo

Isa ang Flicker sa mga pinakamalakas na Tier Four items sa laro dahil bukod sa dagdag movement speed na binibigay nito, meron din itong four-second dispel at mini-blink.

Magandang example sa pagka-imba nito ang 1% HP escape ng Morphling ni Zhou “Dust” Shiyuan ng Team Magma nang harapin nila ang CDEC noong China qualifier para sa The International 10.

Dahil sa dagdag segundong cooldown ng Flicker sa Dota 2 patch 7.30 at pagtanggal sa mini-blink mechanic nito, inaasahan na mas balanse na ngayong ang Neutral Item.


Na-nerf na rin sa Dota 2 patch 7.30 ang Spider Legs

  • Hindi na kino-consider bilang Boots
  • Binawasan ang movement speed bonus mula 65, ngayon ay 25 na lang

Nagpo-provide ang Spider Legs ng mas malaking movement speed kumpara sa pangkaraniwang boots kaya’t may pagkakataon na tinatanggal na lang ang boots para sa dagdag na inventory slot kung naka-equip ito.

Dagdag pa sa dahilan kung bakit overpowered ang Spider Legs ay dahil sa active ability nito na Scurry. Sa loob ng tatlong segundo, binibigyan nito ang may gamit ng free pathing. Sulit na item ito para sa mga carry o initiator na crucial ang positioning pagdating sa mga team fight.


Dahil sa mga nabanggit na pagbabago, kabilang na ang mga nerf sa overpowered na Neutral Items, marahil ay mas balanse na ang mga ito, salamat sa Dota 2 patch 7.30.

Mababasa ang buong patch notes ng 7.30 gameplay update sa official page nito.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.