Kilala ang Malaysian pro player na si Cheng “NothingToSay” Jin Xiang bilang isa sa pinakamahusay na midlaners sa Dota 2. Nakuha niya ang katangian na nito dahil tinulungan niya manalo ang Chinese squad na PSG.LGD sa WePlay AniMajor, at sinundan ito ng kanilang runner-up finish sa The International 10.

Matapos ang kaniyang TI10 performance, pinangalanan ni NothingToSay (NTS) sa isang live stream interveiew sa Level Up KL: eSports Masterclass YouTube broadcast ang top four na pinakamahirap na midlaners na nakaharap niya.

Ang pinakamahusay na midlaners na nakalaban ni NothingToSay

NothingToSay
Credit: Valve

Nasa tuktok ng listahan ang 21-year-old prodigy ng Team Secret, si Michal “Nisha” Jankowski. Ayon kay NothingToSay, si Nisha ang natatanging player na mas magaling na midlaner kaysa sa kanya. Nagharap ang dalawang players sa upper bracket final ng TI10 kung saan nakakuha ng 2-0 victory ang PSG.LGD.

Pagkatapos ay pinangalanan ng Malaysian midlaner si Karl “Karl” Baldovino ng T1 bilang ang kaniyang pangalawang mahusay na challenger. Si Karl ang isa sa mga top performers sa TI10 dahil sa kaniyang ikatlong pinakamataas na GPM at XPM sa buong tournament. Nagkaroon din ng magandang upper bracket quarterfinals ang T1 laban ang PSG.LGD na nagkaroon ng 10 buybacks sa isang fight. Nanalo ang PSG.LGD sa match, 2-1.

Ang pangatlong midlaner sa listahan ni NTS ay si Danil “gpk” Skutin ng Virtus.pro, Nagkaroon ng mahusay na group stage performance si Virtus.pro sa TI10 matapos ang kaniyang second place finish na may 11-5 record. Ngunit naisahan ni NothingToSay si GPK noong natalo ng PSG.LGD ang Virtus.pro 2-0 sa upper bracket semifinals ng TI10.

Ang huling player sa listahan ay ang TI10 champion na si Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek. Matapos matalo sa Team Spirit sa grand final ng TI10, 2-3, ni-rank pa din ni NothingToSay ang kaniyang sarili sa taas ni TORONTOTOKYO.

“He’s not really focused on the lane. He didn’t give me a lot of pressure,” sabi ni NothingToSay na ipinaliwanag na ang success ng Team Spirit ay nagmula sa kanilang synergy at teamwork na nagdulot ng kanilang panalo sa TI10.

Binanggit din ni NothingToSay si Topias “Topson” Taavitsainen ng OG bilang isa pang midlaner na magaling na team player. Naniniwala siya na mas magaling pa si Topson kaysa kay TORONTOTOKYO.

Noong tinanong kung sinong player ang kaniyang iniidolo, sinagot ni NTS na ito ay si Amer “Miracle” Al-Barkawi ng Nigma Galaxy at ipinaliwanag na isa siyang malakas na midlaner na marunong laruin si Invoker sa isang mataas na lebel.

Top five midlaners ni NTS ng PSG.LGD sa Dota 2 matapos ang TI10

TEAM PLAYER 
Team Secret Michal “Nisha” Jankowski 
PSG.LGD Cheng “NothingToSay” Jin Xiang 
T1 Karl “Karl” Baldovino 
Virtus.pro Danil “gpk” Skutin 
OG Topias “Topson” Taavitsainen 
Team Spirit Alexander “TORONTOTOKYO” Khertek