Kumuha ang OB Esports x Neon ng mga bagong player matapos ang pag-alis nila Andrei “Skem” Ong at Japoy “Yopaj” Ferrer.
Nilista ng OB.Neon ang Indonesian midlaner na si Rafli Fathur “Mikoto” Rahman ng BOOM Esports at Vietnamese carry na si Trinh “458” Van Tho ng 496 Gaming bilang kanilang mga stand-in para sa nalalapit na OB Esports x Moon Studio Asian Arena Season 1.
Kinuha rin ng Pinoy team ang Malaysian offlaner na si Lee “X1aOyU” Qian Yu bilang kanilang sixth man.
Inanunsyo ng Neon ang kanilang revamped roster matapos ang paglipat ng dati nilang multi-role star na si Skem (kilala rin sa IGN na “ctm”) at midlaner na si Yopaj sa BOOM Esports.
Malaki ang naging ambag ng dalawang manlalaro sa organisasyon at isa na rito ang kanilang impressive performance sa ONE Esports Singapore Major kung saan nagtapos sa Top 6 ang koponan.
Mikoto parte pa rin BOOM Esports
Nilinaw naman ni Mikoto at ng mismong CEO ng BOOM Esports na si Gary Ongko na parte pa rin ang 21-year-old midlaner ng Indonesian team.
Sa ngayon ay nasa inactive roster si Mikoto habang si Yopaj ang papalit sa kanyang posisyon.
Bagong lineup ng OB Esports x Neon sasabak sa Moon Studio Asian Arena
1 – Trinh “458” Van Tho (stand-in)
2 – Rafli Fathur “Mikoto” Rahman (stand-in)
3 – Michael Roi “Enryu” Ladines
4 – Ravdan “Hustla” Narmandakh
5 – Jaunuel “Jaunuel” Arcilla
6 – Lee “X1aOyU” Qian Yu (6th man)
Makikipagbalagbagan ang bagong roster ng OB Esports x Neon laban sa 11 teams sa Moon Studio Asian Arena Season 1 na nakatakdang ganapin mula September 5 hanggang October 3.

Kasali rin ang mga kapwa Pinoy squad na Execration at Smart Omega sa naturang torneo na mayroong $50,000 (halos P2.5 million) prize pool.
Naka-seed agad sa upper bracket round 2 ng double-elimination playoffs ang mga Chinese team na Sparking Arrow Gaming at Team MagMa.
Makakasama naman ng Neon, Execration at Omega ang BOOM, Team SMG, iG Vitality, Lilgun, Army Geniuses, MY at Ragdoll sa round-robin group stage.
BASAHIN: https://www.oneesports.gg/ph/dota2/neon-esports-roster-change/