Matapos ang mahabang professional player career na nagtagal ng halos isang dekada sa Dota 2, magiging coach na ang Malaysian veteran na si Khoo “Ohaiyo” Chon Xin para sa Singaporean organization na RSG. 

Ang 29-year-old na naglaro para sa 496 Gaming, ay ang bagong head coach para sa RSG. Kinontrata ng Singapore-based esports organization ang buong roster ni ChubbyBoiz noong nakaraang Tour. 

Sasalihan ni Ohaiyo ang isang team na kakakuha lamang ng isang DPC SEA 2021/2022 Divion I slot para sa Tour 3 matapos walisin ang Divion II. Undefeated sila sa pitong serye, natalo lamang sa isang laro sa kapwa promoted team na Talon Esports

RSG Dota 2 roster ni Ohaiyo para sa DPC SEA 2021/2022 Tour 3 

Dota 2 Ohaiyo
Credit: RSG

(1) Wong “mks-” Sim An 
(2) Ng “xsilearn” Anwei 
(3) Lee “X1aOyU” Qian Yu 
(4) Trần “xiaobonbon” Hoàng Minh Quý 
(5) Roger “Roddgeee” Tan Boon Thye 
(Coach) Khoo “Ohaiyo” Chong Xin 

Asahang tutulungan ni Ohaiyo ang RSG na umangat sa next level sa isang napakamatinik na DPC SEA Regional League. Ang dalawang players, sina xsilearn at xiaobonbon, ay pamilyar na sa 29-year-old na ito, matapos silang makipag-team up sa kaniya sa 496 Gaming. 

Ang mga promoted teams ng Tour 1, ang Polaris Esports at Nigma Galaxe SEA, ay nagkaroon agad ng impact sa Division I. Ang parehas na teams ay nanatili sa division, at isang tiebreaker nalang ang kulang para sa Polaris para makapasok sa Major.