Tingin mo ba ay alam mo kung anong mangyayari sa pinakamalaking Dota 2 tournament ng taon? Kung kaya mong hulaan ang resulta ng TI10, gusto ka namin bigyan ng hanggang US$500 Steam Vouchers!
Paano laruin ang ONE Esports Fantasy TI10 Challenge
Ang kailangan mo lang gawin ay sagutan ang apat na tanong na ito:
- Aling dalawang teams ang matatanggal sa Group Stage? (Bawat tamang sagot ay may katumbas sa 100 points)
- Aling walong teams ang makakapasok sa Upper Bracket? (Bawat tamang sagot ay may katumbas na 200 points)
- Aling teams ang makakatapos sa Top 3? (Bawat tamang sagot ay may katumbas na 300 points)
- Anong team ang magiging TI10 grand champion? (400 points ang tamang sagot)
Magkakaroon ka ng points sa bawat team na mahuhulaan mo nang tama sa bawat tanong.
So, kung tama ang hula mo sa parehas na teams na matatanggal sa Group Stage, makakaroon ka ng 200 points, at kung tama naman ang hula mo sa walong teams na makakapasok sa Upper Bracket, magkakaroon ka ng 1,600 points.
Ano ang prize money sa ONE Esports Fantasy TI10 Challenge ?
Mamimigay kami ng kabuuang US$2,500 halaga ng Steam Vouchers para sa mga mananalo.
- 1 x Grand Winner: $500 worth ng Steam vouchers.
- 5 x Tier 1 Winners: $200 worth ng Steam vouchers.
- 10 x Tier 2 Winners: $100 worth ng Steam vouchers.
Ang mga top scorers ay hahatiin sa tatlong grupo. Ang player na mayroong pinakamataas na overall score ang magiging Grand Winner.
Ang mga sumunod na limang pinakamataas na scorers (place 2-6) ay magiging Tier 1 winners. Ang susunod na 10 high scorers (place 7-16) ay magiging Tier 2 winners.
Tiebreaker rules sa ONE Esports Fantasy TI10 Challenge
Kung sakaling mayroong tiebreaker, ang player na may pinakamalapit na sagot sa mga tanong na ito ay ang madedeklarang panalo.
- Tiebreaker 1: Ilang kills ang makukuha ng Champion Team sa Grand Finals Series?
- Tiebreaker 2: Ilang matches ang lalaruin sa Grand Finals Series?
Gusto mo bang sumali? Click here para makapasok sa competition!
Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga karagdagang balita tungkol sa TI10.