Qualified sa playoffs ang tatlong pambato ng SEA sa Stockholm Major 2022, ang unang Major tournament ng gumuglong na Dota Pro Circuit.

Kasama ang T1, BOOM Esports, at Fnatic sa 12 koponang nakaligtas matapos ang group stage. Sa Group A, pasok din ng dalawang kinatawan ng SEA ang Tundra Esports, OG, BetBoom Team, at beastcoast.

Samantala, matapos ang 2nd-5th place tiebreaker, naka-qualify kasama ng Fnatic ang Gaimin Gladiators, Thunder Awaken, TSM, Team Spirit, at Team Liquid.

Na-eliminate naman ang kampeon lang ng DPC 2022 Tour 2 Division 1 na Evil Geniuses sa group stage, kasama ng Mind Games na na-disqualify dahil sa hindi naresolbang isyu tungkol sa kanilang visa.

Ang group stage standings ng mga koponang pasok sa playoffs ng ESL One Stockholm Major 2022

3 pambato ng SEA sa Stockholm Major 2022, pasok sa playoffs
Credit: ESL

Group A

STANDINGKOPONANRECORDPLAYOFF SEEDING
1stTundra Esports11 — 1Upper Bracket
2ndOG7 — 5Upper Bracket
3rdBetBoom Team7 — 5Upper Bracket
4thT16 — 6Upper Bracket
5thBOOM Esports5 — 7Lower Bracket
6thbeastcoast4 — 8Lower Bracket

Group B

STANDINGKOPONANRECORDPLAYOFF SEEDING
1stGaimin Gladiators8 — 4Upper Bracket
2ndThunder Awaken7 — 5Upper Bracket
3rdTSM7 — 5Upper Bracket
4thTeam Spirit7 — 5Upper Bracket
5thTeam Liquid7 — 5Lower Bracket
6thFnatic6 — 6Lower Bracket

Matatagpuan ang kumpletong resulta ng group stage dito.

Mga pambato ng SEA sa Stockholm Major 2022, sasabak sa double-elimination playoffs

3 pambato ng SEA sa Stockholm Major 2022, pasok sa playoffs
Credit: ESL

Sa double-elimination bracket maglalaro ang 12 koponang nakapasok sa playoffs ng ESL One Stockholm Major 2022.

Ang top four teams sa bawat grupo ay masi-seed sa upper bracket ng playoffs. Samantala, sa lower bracket naman magsisimula ang kampanya sa playoffs ng top five at six. Eliminated na ang dalawang koponang magtatapos sa ilalim ng kani-kanilang group.

Para sa mga kinatawan ng rehiyon, tanging ang T1 lang ang na-seed sa upper bracket ng playoffs. Haharapin nila ang top seed ng Group B na Gaimin Gladiators.

3 pambato ng SEA sa Stockholm Major 2022, pasok sa playoffs
Credit: Valve

Samantala, sa unang round naman ng lower bracket magsisimula ang kampanya ng BOOM Esports at Fnatic sa playoffs. Buti na lang at lahat ng serye ay best-of-three, maliban na lang sa grand final na best-of-five.

Paglalaban-labanan ng mga natitirang kalahok ang pinakamalaking bahagi ng US$500,000 na prize pool, o mahigit ₱26 milyon, gayun din ang 3,530 DPC points.

Nakatakdang iraos ang playoffs ng Stockholm Major 2022 simula ika-16 hanggang ika-22 ng Mayo. Masusubaybayan ang mga bakbakan sa opisyal na Twitch channel ng ESL One.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Team Spirit star Yatoro, may masasabi tungkol sa BOOM Esports