Umayon ang tadhana para sa Team Nigma sa Dota 2 WePlay AniMajor. Pinabilib ng Nigma carry player na si iLYW ang lahat nang makakuha ng Rampage ang kanyang Ursa sa kanilang series laban sa Team Liquid.

Panoorin ang Rampage ni Nigma iLTW sa WePlay AniMajor Group Stage

Dota2 iltw profile
Credit: iLTW

Tulad ng isang nakakawalang oso, nahuli at napatay ni Igor “iLTW” Filatov ang Dark Willow ni Tommy “Taiga” Le, na may kaunti na lang na buhay sa late-game clash na ito.

Sumunod na pinagdiskitahan naman ni Nigma iLTW ang Morphling ni Sumail “SumaiL” Hassan, pero di nagtagal ay napalibutan sya ng mga natitirang myembro ng Team Liquid.

Bago maubos ang kaunting natitirang HP ng Ursa, nai-teleport sya palayo ng Io ni Maroun “GH” Merhej.

Sa napiling destinasyon ng teleport ni GH, hindi lang nya nailigtas si iLTW, nabigyan din ito ng pagkakataon na mapatay ang Centaur Warrunner ni Max “qojqva” Bröcker.

Ang save na ‘yon ni GH ang nagpabaligtad ng laban papunta sa panig ng Team Nigma. Matapos patayin ang Centaur ni qojqva, muli nyang pinitas ang Dark Willow ni Taiga pagkatapos nitong mag-buy back.

Sa loob ng four hits, tapos si Taiga, at naiwan ang Omniknight ni Michael “miCKe” Vu at si SumaiL sa harap ng nagwawalang oso.

Tinapos ni Nigma iLTW ang kanyang sinimulan at tuluyan nang binura ang Morphling ni SumaiL.

Nagtulong-tulong naman ng Nigma crew para makuha ni iLTW ang kanyang Rampage nang sama-sama nilang itinumba ang Omniknight ni miCKe, at panghuli ang Snapfire ni Aydin “iNSaNiA” Sarkohi.

Dota2 WePlay AniMajor GroupStage Day2 Standings
Credit: WePlay Esports

Natapos ang series sa score na 2-0 para sa Team Nigma. Kasalukuyan silang tabla kasama ang TNC Predator, Evil Geniuses, at Vici Gaming sa record na 5-3.

Napakahusay mag-alaga ni Nigma GH

Dota2 Nigma Advances To WePlay AniMajor GroupStage
Credit: WePlay Esports

Syempre dapat nigyan din ng pagpapahalaga ang Io ni GH na nagbantay at tumulong sa agresdibong Ursa ni iLTW sa kahabaan ng team fight.

Umabot ng 25,000 ang healing ni GH sa match na ‘to, kung saan hindi lang nya ipinanalo ang bot lane kundi ang buong game para sa Team Nigma.