Heto na ang pagkakataon mong itanong ang kahit anong gusto mong malaman sa isa sa mga pinkamatitinding Dota 2 player ng Southeast Asia!

Kilalang kilala din ng mga Pinoy na Dota 2 fans si Nuengnara “23savage” Teeramahanon: isang player na paniguradong naging rising superstar sa Pos 1 sa laro. Bilang isang perennial na top spot sa ranked leaderboards, siya ang pinakaunang player na umabot sa 12,000 at 13,000 MMR — isang milestone na naabot lamang ng tatlong players sa kasulukuyang pagkakasulat ng akdang ito.

Siya’y naglalaron ngayon para sa Talon Esports, ngunit nakilala rin siya sa kaniyang pagdalaw sa mga premyadong organisasyon katulad ng Fnatic at T1. Matapos ang kaniyang podium finish sa Lima Major, pinangunahan ni 23savage ang kaniyang koponan sa perpektong 7-0 record sa Tour 2 ng Dota 2 Pro Circuit, at tuluyan na ngang naabot ang Berlin Major.

Kung nais mong magtanong kay 23savage, ilagay lamang ang iyong katanungan sa box sa article na ‘to at wag kalimutang iwan ang iyong username o kaya nama’y social handle upang mapasama sa mga shoutouts pag napili ang iyong tanong!

Para sa iba pang balita tungkol sa esports at MPL, i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Bakit nga ba ayaw nang makipag-kampi ni 23savage sa mga Pinoy?