Lumapag na ang pinaka-aabangang patch 7.30 ng Dota 2, at tulad ng inaasahan, may dala itong sangkatutak na changes sa gameplay, items, at ilang reworks din.

8 pinakamalalaking changes sa Dota 2 patch 7.30

Bagong Pick Order sa Captain’s Mode

  • Captain’s Mode second pick phase is changed from Dire/Radiant/Dire/Radiant to Dire/Radiant/Radiant/Dire (assuming Radiant is first pick)

Dahil sa pagbabagong ito sa Captain’s Mode ngayong 7.30, maaari nang mag-pick ng duo combo ang parehong koponan. Pwedeng mag-combo pick ang team na magse-second pick sa first pick phase, habang ang first pick na team naman ay makakakuha ng combo sa second pick phase.

Recipe Reworks sa Helm of the Overlord, Mage Slayer, at Silver Edge

Dota 2 patch 7.30: Reworked Recipe
Credit: ONE Esports

Iba na ang mga components para makabuo ng mga item na nabanggit. 

Vladimir’s Offering na ngayon ang isa sa mga kailangan para sa Helm of the Overlord. Para sa Mage Slayer, pinalitan ng Oblivion Staff ang Claymore at Blade of Alacrity kaya’t mas mura na ito nang 850 gold. 

Samantala, pinalitan ng Crystalys ang Echo Sabre para makabuo ng Silver Edge. Bukod sa mas mura na ito ng 350 gold, may guaranteed crit na pumapatong sa bonus damage na rin ang active ability nitong Shadow Walk.

‘Di na magbabagsak ng Cheese si Roshan sa ikalawang death

Dota 2 patch 7.30: Roshan
Credit: Wallpapercave
  • Second Roshan no longer drops cheese

Malaking power spike para sa mga nakalalamang na team ang ikalawang Roshan dahil bukod sa Aegis of Immortality, nagbibigay din ito ng Cheese at libreng Aghanim’s Shard.

Dahil sa pagbabagong ito, maaaring hindi na ganun kalakas ang power spike ng mga liyamadong koponan, lalo na kung magbabalak itong mag-high ground.

Ang mga tinanggal at bagong Neutral Items

Dota 2 patch 7.30: Removed and New Neutral Items
Credit: ONE Esports

Tinanggal na ni Valve ang mga sumusunod na Neutral Items sa laro:

  • (Tier 1) Faded Broach
  • (Tier 1) Ironwood Tree
  • (Tier 2) Imp Claw
  • (Tier 4) Illusionist’s Cape
  • (Tier 4) Minotaur Horn
  • (Tier 4) Orb of Destruction
  • (Tier 5) Ballista

Samantala, nag-introduce naman sila ng mga bago:

  • (Tier 1) Pig Pole
  • (Tier 1) Tumbler’s toy
  • (Tier 2) Brigand’s Blade
  • (Tier 2) Fae Grenade
  • (Tier 3) Blast Rig
  • (Tier 4) Ascetic’s Cap
  • (Tier 5) Witchbane
  • (Tier 5) Arcanist’s Armor

5 Neutral Items na rin ang babagsak sa bawat Tier

Dota 2 patch 7.30: 5 Neutral Items
Credit: Valve

Kung dati ay apat na Neutral Items lang ang nakukuha sa mga jungle camps kada tier, nadagdagan na ito ng isa ngayong 7.30.

Naging issue ang hindi pantay-pantay na lakas ng mga Neutral Item—mukang OP ‘yung iba, habang ang iba naman ay underwhelming kung pagbabasihan ang kakayahan ng mga ito na baguhin ang takbo ng laro.

Dahil lima na ang babagsak per tier, marahil ay magiging mas balanse na ang distribution ng items. Bukod dito, tiyak din na may neutral item na para sa bawat hero pagpatak ng seven-minute mark.

Nerf sa mga meta carries ng patch 7.29

Dota 2 patch 7.30: nerfed carries
Credit: Valve

Pinalo ng nerf ang tatlo sa pinakamalalaking carries noong nakaraang patch ngayong 7.30. 

Para kay Luna, pinataas ang cooldown ng Lucent Beam at pinataas din ang damage reduction percentage ng Moon Glaives. Pinaliit naman ang jump radius ng Mystic Snake ni Medusa habang binawasan naman ang damage per mana ng kanyang Mana Shield sa early levels. Binawasan din ang duration ng Metamorphosis ni Terrorblade.

Samantala, nakatanggap naman ng buff ang mga na-etsa-puwerang carry noong huling patch gaya nina Anti-Mage at Faceless Void.

Nerf din ang inabot nina Phoenix at Winter Wyvern

Dota 2 patch 7.30: nerfed supports
Credit: Valve

Gaya ng mga nabanggit na carry, ang dalawang sikat na support hero noong 7.29 ay sinalubong din ng nerf ngayong 7.30.

Pinaiksi ang dash length ng Icarus Dive ni Phoenix, kasabay ng pagbawas sa max health as heal ng Sun Ray. 

Para kay Winter Wyvern naman, na-nerf ang attack range at movement speed slow ng Arctic Burn, pina-iksi ang cast range ng Winter’s Curse, at binawasan din ang percentage heal ng Cold Embrace.

Rework sa mga Aghanim’s Shard upgrade at Aghanim’s Scepter upgrade

Dota 2 patch 7.30: Shard and Scepter
Credit: Valve

Simula nang i-introduce ang Aghanim’s Shard noong 7.28, parati nang may shard update ang mga sumunod na patch at hindi exempted dito ang 7.30. Sa kabuuan, 12 heroes—Anti-Mage, Axe, Chen, Gyrocopter, Meepo, Monkey King, Naga Siren, Shadow Fiend, Spectre, Tusk, Undying, at Windranger—ang tinamaan ng changes na ‘to ngayon.

Ni-rework din ang scepter upgrade nina Broodmother, Chen, at Underlord.

Dahil sa mga pagbabagong ito, tiyak na malaki ang pagbabago sa meta.


Mababasa ang buong Dota 2 7.30 patch notes dito.