Kabilang sina Phoenix at Winter Wyvern sa mga hero na umuukit sa meta ng patch 7.29 ng Dota 2.

Simula sa WePlay AniMajor hanggang sa nagdaang regional qualifiers para sa The International 10, namayagpag sa karamihan ng laro ang dalawang support hero.

Noong huling Major tournament ng 2021 Dota Pro Circuit, may Winter Wyvern o Phoenix sa 50% ng mga laro (69 combined picks sa 137 kabuuang matches), at tumaas ito sa 59% (172 combined picks sa kabuuang 291 matches) noong nasabing qualifiers para sa taunang world championship.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit malakas ang dalawang hero sa mga naganap na palaro.

Percentage heal at damage ng skills

Percentage-based skills nina Phoenix at Wyvern

Parehong may skills sina Phoenix at Winter Wyvern na percentage-based ang damage o heal. 

Para kay Wyvern, health percentage per second ang binabawas sa mga kalaban na maatake ng Arctic Burn, habang parehong max health per second naman ang heal ng Cold Embrace, na nagbibigbay din ng 100% physical damage immunity sa target.

Two-in-one naman ang epekto ng Sun Ray ni Phoenix. Max health damage per second, bukod pa sa base damage per second, para sa lahat kalaban na tatamaan nito habang max health health per second naman sa mga kakampi. 

Ang kagandahan sa mga skill na ito ay hindi nila kailangan lumapit sa target para mapatama. May dagdag na attack range ang Arctic Burn, habang 1150 naman ang distance ng Sun Ray. Mahalaga ang positioning sa mga support, kaya’t malaking tulong ang mahahabang cast range ng mga ito.

Pagsikat ng mga durable heroes

Makukunat na heroes: Dragon Knight, Axe, Spectre

Kasabay ng mataas na pick rate sa mga support heroes na ito ay ang pagsikat din ng mga makukunat na cores katulad nina Dragon Knight, Axe, Spectre, Terrorblade, Timbersaw, Medusa, at Tidehunter, pito sa 25 most picked heroes noong TI10 regional qualifiers.

‘Di gaya ng mga hero na may Break mechanic, gaya nina Viper, Hoodwink, at Nyx Assassin na matataas din ang mga pick rate noong nagdaang qualifiers, hindi lang pangontra sa mga makukunat na heroes sina Phoenix at Winter Wyvern. 

Mas nagbe-benefit ang mga hero na matataas ang health points sa percentage-based heal ng parehong support. Kaso nga lang, kung anong bisa naman nito bilang kampi, ay ganon din ito kasakit bilang pangontra.

Bonus din na Aghanim’s Shard upgrade ng parehong hero ang mga skill nila para makapang-heal.

Malakas simula laning phase hanggang late game

Dahil sa percentage mechanics ng mga nasabing skills, mas maganda mag-scale sa laro sina Phoenix at Winter Wyvern.

Bumabase kasi ang heal o damage ng kanilang mga skill sa max HP ng target. Umaayon ang bisa nito habang tumataas ang stats ng iyong kampi o kalaban, dahil sa level man o sa mga item na binibili.

Hindi ito katulad ng skills ng ibang hero na may heal katulad nina Dazzle o Omniknight, dalawang hero na na-etsa-puwera noong TI10 qualifiers, na fixed na sa isang amount at tumataas lang depende sa skill points. 

Bukod dito, hindi rin matatawaran ang ultimates ng parehong hero bilang support. Kung mapapatama nang maayos, kaya nitong idikta ang kalalabasan ng isang team fight—mapa mid game man o late game pa. 

Hindi rin ito kasing hirap i-execute katulad ng Black Hole ni Enigma o Echo Slam ni Earthshaker na kailangan pa lumapit sa mga kalaban. Bonus din na tumatagos ang parehong ultimates sa spell immunity.