Alam ng lahat na masarap sa pakiramdam na makita ang resulta ng isang magandang laro sa Dota 2. Minsan, imbes na mag-queue para sa susunod na laro, gusto mo na lang suriin at sulitin ang iyong post-game stats sa Dota 2 at maging masaya para sa iyong sarili.

Narito kung paano niyo maa-access ang inyong post-game stats sa loob o labas man ng laro.


Paano makita ang iyong post-game stats sa Dota 2 habang ikaw ay in-game

Screenshot ni Dexter Tan/ONE Esports

Kapag nag-click ka sa isang match kung saan gusto mong makita ang iyong post-game stats, makakakita ka ng iba’t-ibang option sa top left corner.

Tinatalakay ng scoreboard ang mga detalye patungkol sa iyong laro tulad ng item builds at na-consume na items, kill-death-assist stats at iba pa tulad ng net worth, GPM (gold per minute) at XPM (experience points per minute).

Pinapakita naman ng grahps tab ang net worth at experience ng isang koponan sa kabuuan ng isang laro maging ang mga mahahalagang chart swings.

Ang breakdowns option ay para lamang sa mga Dota Plus users. Dito, makikita mo ang damage na naibato sa isang hero at hinahati ito sa iba’t-ibang damage sources gaya ng spells, auto attacks at items.

Naka-display naman sa MVP screen ang most valuable player o pinakamahusay na player sa laro maging ang mga honorable mentions. Natutukoy ang mga ito gamit ang post-match algorithm.


Third-party sites para makita ang iyong post-game stats sa Dota 2

Credit: Valve

May tatlong major websites para makita ang iyong post-game stats sa Dota 2–ang Dotabuff, OpenDota at Stratz.

Dotabuff na marahil ang pinakasikat sa mga ito. Mayroon itong Plus subscription (hindi konektado sa Dota Plus) para ma-unlock ng iba pang parte ng site.

Ang OpenDota naman ay isang open source at nagtatampok ng ilang magagandang features. Kabilang na rito ang magandang nice story tab na mabilis na binubuod ang laro at fantasy score breakdowns na makakatulong sa iyo na buuin ang iyong fantasy roster para makakuha ng mas malaking rewards.

Sa Stratz naman, mayroong malinis na IMP score na agad nagpapakita kung gaano kaganda ang iyong performance. May kasama rin itong innovative features tulad ng minimap playback sa loob ng mismong client para mabilis na masaksihan ang mga nangyari sa laro.

Ang lahat ng tatlong ito ay matibay at malaman na sites kaya naman hindi ka magkakamali sa pagpili ng anuman sa kanila. Subukan mo lahat at alamin kung ano ang pinakagusto mo.

Kung gagamitin mo ang sites na ito para sa personal account, maaaring hindi updated ang impormasyon ng iyong mga laro. Kung ganito ang kaso, kakailanganin mong i-expose ang iyong public match data sa mismong Dota 2 client.

Screenshot ni Dexter Tan/ONE Esports

Kailangan ng third-party o external sites na maging public ang iyong account upang maayos na maipakita ang iyong matches.

Available ang option na ito habang ikaw ay nasa settings sa ilaim ng Social tab. Sunod na i-toggle ang expose public match data at i-refresh ang browsers para maipon nila ang pinakabago mong data.


Pagsasalin ito ng artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.