Tapos na ang paghihintay ng mga Dota 2 fans sa isang LAN event na may live audience dahil matapos ang higit dalawang taong paghihintay, narito na sa wakas ang ESL One Stockholm Major.

Gaya ng mga naunang Major Dota 2 tournament, limpak-limpak na pera at Dota Pro Circuit points ang paglalaban-labanan ng mga koponang naka-qualify dito.

Magkano ang prize pool ng ESL One Stockholm Major?

Magkano nga ba ang prize pool ng ESL One Stockholm Major?
Credit: ONE Esports

US$500,000, o mahigit ₱26 milyon ang nakataya mna prize pool ng ESL One Stockholm Major. Pero sa 14 na kalahok dito, ang top eight lang ang makakakuha ng kanilang hati sa perang premyo.

Bukod dito, paglalaban-labanan din ng mga koponan 3,530 DPC points. Gaya ng prize pool, ang top eight teams lang ang makakahati dito.

Ang mga Major lang, bukod sa tatlong tours ng DPC, ang tanging pinagkukunan ng DPC points. Kaya’t pagkatapos ng mga ito, ang top 12 teams na may pinakamaraming DPC points, saan mang rehiyon galing, ay direktang makaka-qualify sa The International 2022.

Magkano nga ba ang prize pool ng ESL One Stockholm Major?
Credit: Valve

Kung ‘di naman mapapasama sa 12 ito, may pagkakataon pa ang mga koponan sa bawat rehiyon mula sa last chance qualifier.

Narito ang pagkakahati-hati sa DPC points at prize pool ng ESL One Stockholm Major:

PUWESTOKOPONANPREMYODPC POINTS
1stTBDUS$200,000
(₱10.4 milyon+)
680
2ndTBDUS$100,000
(₱5.2 milyon+)
610
3rdTBDUS$75,000
(₱3.9 milyon+)
530
4thTBDUS$50,000
(₱2.6 milyon)
460
5th-6thTBDUS$25,000
(₱1.3 milyon)
385
7th-8thTBDUS$12,500
(₱655,000+)
240
9th-12thTBD
13th-14thTBD

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Dota 2, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Stockholm Major 2022: Schedule, resulta, mga koponan, format, saan mapapanood