Ang PSG.LGD ang unang team sa Group Stage na nakapag-secure ng sapat na panalo para makapasok sa WePlay AniMajor Playoffs.

Ipinanalo ng Chinese squad ang lahat ng kanilang laban sa ikatlong araw ng Group Stage. Tinalo nila ang Filipino squad na TNC Predators, pati na rin ang tournament favorites na Evil Geniuses sa tulong ng nakakabilib na performance nina Cheng “NothingToSay” Jin Xiang at Wang “Ame” Chunyu.

Ang pocket Axe strategy ng PSG.LGD ang tumulong sa kanilang maghari sa Group Stage

Dota2 PSG.LGD WePlay AniMajor
Credit: WePlay! Esports

Nagulat ang ibang teams sa hindi inaasahang hard carry Axe ni Ame.

Habang ang ibang team ay gumagamit ng Axe bilang offlane at initiator, nagpakita ang PSG.LGD ng kakaibang paraan ng paggamit ng hero.

Sa pagbigay ng farm priority sa Axe ni Ame, nakabuo sya ng Vanguard sa loob lang ng anim na minute. Maaga pa lang, hindi na sya mapatay.

At dahil kaya ni Axe mag-flah farm sa mga lanes at neutral creeps camp, nabuo din nya ang kanyang mga follow up items na mas mabilis kaysa sa carry ng kalaban.

Isa pang dahilan kung bakit mabisang hard carry hero si Axe ay dahil sa kakayanan nitong mag-counter ng Black King Bars ng kalabang team. Ang Counter Helix ni Axe ay nagbibigay ng pure damage kung kaya’t mawawalan ng silbi ang 100% magic resistance na dala ng BKB.

At ang mas Malala pa para sa mga BKB users, tumatagos sa spell immunity ang kanyang Berserker’s Call. Kung kaya’t Axe ang ultimate counter sa hard carry heroes.

Nanatiling buhay ang Cliffteezy meme sa WePlay AniMajor dahil sa PSG.LGD

Dota2 Faith bian Sprays Arteezy StickerOnCliff
Credit: WePlay! AniMajor

Habang sobrang seryoso ng mga players sa tournament para makapasok sa playoffs, kalmado lang ang PSG.LGD.

Sa katunayan, ang kanialng midlaner na si NothingToSay ay may isang goal sa kalagitnaan ng game laban sa Evil Geniuses – ang siguraduhing magpapatuloy ang Cliffteezy meme.

Gamit ang kanyang Magnus, laging nakaantabay si NothingToSay sa superstar carry player ng Evil Geniuses na si Artour “Arteezy” Babaev.

Kilala ang North American star na laging nadadala sa high ground spots kung saan lagi syang nai-stuck, kaya sumikat ang ‘Cliffteezy’ meme

Grabe ang ginawa ni NothingToSay sa sumunod na team fight dahil dalawang beses nyang iniakyat sa parehong cliff si Arteezy.

Dahil sa play na ito ni NothingToSay, hindi naramdaman sa team fights ang hard carry Medusa ng Evil Geniuses, kung kaya mas nakapag-focus sila sa mga natitirang EG heroes na nagdala sa kanila ng panalo.

Ito ang pangalawang Major kung saan nakatanggap ang Evil Geniuses ng matinding mind games mula sa isang Chinese team. Sa nakaraang ONE Esports Singapore Major, ginulantang ng Invictus Gaming ang North American team sa isang reverse sweep sa Grand Final matapos silang bigyan ni Zhou “Emo” Yi ng “?” sa pagtatapos ng game three.

PSG.LGD ang unang team na nakapasok sa Playoffs

Dota2 WePlay AniMajor GroupStage Day3 Results
Credit: WePlay! Esports

Pumasok ang PSG.LGD sa day three ng Group Stage na may 6-2 record. Nang tapusin nila ang araw na may 4-0 record, sigurado na ang kanilang Upper Bracket Playoff spot sa WePlay AniMajor.

Kasunod nila ang Team Nigma at Vici Gaming na naglalaban para sa ikalawang Upper Bracket spot. Habang nasa bingit naman ng elimination ang Team Liquid, Team Spirit, at beastcoast.

Para sa mga tournament results, schedule, format, prize pool, at iba pang detalye, i-click dito.