Si Pudge ang pinakasikat na hero sa Dota 2. Sa katunayan ay mahigit 891 milyong beses na siyang na-pick sa pub games.
Sa tumatakbong meta ngayon, nauuso sa high-level pubs ang Pudge carry at lumitaw pa nga ito sa professional scene nang gamitin ni Team Liquid position-1 player Lasse Aukusti “MATUMBAMAN” Urpalainen sa kanilang serye kontra goonsquad sa DPC Western Europe Tour 3 Division 1.
Ang popularidad ng Pudge carry ngayon ay dala ng buffs na ibinigay sa naturang hero sa patch 7.31d.
Paano nagiging viable ang Pudge carry ngayon?

Unang binago ang Flesh Heap ni Butcher sa patch 7.31 pero sa 7.31d lang talaga lumakas ang naturang passive na third skill. Nabigyan din siya ng karagdagang 3 base damage.
Tumaas ang damage block ng Flesh Heap mula 5/10/15/20 tungo sa 7/14/21/28. Ang bagong buff na ito ang dahilan kung bakit siya naging malakas na laner ngayon. Imbes na magtago sa mga puno, kaya nang tumayo ni Pudge sa harap, mang-right click at maging legit na kill threat.
Kasama pa ang damage ng kanyang Rot (2nd skill), halos imposible na makipaglaban sa kanya pagdating sa last hits at kapag hindi alisto ang kalaban ay maaari siyang mabingwit ng Meat Hook (1st skill) at mamatay.
Perpekto ang synergy ng kanyang Fleash Heap at Rot. Kung iisipin, nakaka-block lang ng hanggang 28 damage per instance ang Flesh Heap habang ang Rot naman ay may 120 damage per second bagamat isa ito sa mga skills sa laro na nagdi-deal ng damage sa split-second intervals.
Nangangahulugan ito na bina-block ng Flesh Heap ang lahat ng damage ng Rot at iba pang skills na gumagana sa parehong paraan tulad ng Blade Fury ni Juggernaut, Ion Shell ni Dark Seer at Rupture ni Bloodseeker. Dahil dito ay napakakunat ni Pudge sa ilang partikular na matchups pero problema pa rin para sa kanya ang burst damage.
Kapag nilaro mo bilang carry si Pudge, malaya ka na mag-all out tank mode habang nakakapagbitaw ng disenteng damage.
Bakit pini-pick ang Pudge bilang carry?

Kung ang isang offlane o mid Pudge ay napupwersa na gumawa ng plays sa mapa, ang isang carry ma Butcher ay pwedeng tumambay lang sa lane at i-farm ang isang sa pinakamalaki niyang power spikes—ang Aghanim’s Scepter. Halos dinodoble nito ang radius at damage per second ng Rot kaya naman nakakabwisit siya sa mga team fight.
Imbes na mang-right click lang, ang damage mo ay halos manggagaling sa Rot at Dismember. Ang Meath Hook ay isang magandang additional nuke at ang iyong right clicks ay pwedeng maging masakit, pero bilang isang mabagal na hero, hindi mo pwedeng asahan ang mga ito. Kaya naman ang pagiging carry mo ay mula sa pagiging sobrang kunat habang nagbibigay ng AOE damage.
Para sa Dota 2 guides, news at highights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa akda ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.