Pinapatibay ng Talon Esports ang kanilang roster matapos bitawan ang dating captain na si Tal “Fly” Azik at hard carry Kim “Gabbi” Villafuerte noong January.
Si Worawit “Q” Mekchai ang pinakabagong bagon pangalang dumagdag sa ilalim ng Talon Dota 2 banner at maglalaro sa position five, ayon sa anunsyo ng organisasyon.
Huling naglaro si Q para sa Thai organization na Motivate.Trust Gaming. Naghari ang team sa lower division noong nakaraang taon, sa record na 7-0 ay nakakuha sila ng promotion. Nagtapos ang MG. Trust sa unang season ng DPC SEA 2021/2022 Division I Tour 1 sa ikapitong pwesto matapos makakuha ng record na 2-5.
Nagtiis ang team sa isang nakakadismayang opening season para sa kanilang unang DPC tour. Malaking pag-asa ang bitbit ng all-star Talon Dota 2 roster nang una itong mabuo, ngunit nagtapos sila sa ikalimang pwesto sa first tour ng Division II matapos ang record na 3-4 – na naging daan upang umalis sina Fly at Gabbi.
Talon Dota 2 roster for DPC SEA 2021/2022 Div II Tour 2
(1) TBD
(2) Rafli Fathur “Mikoto” Rahman
(3) Damien “kpii” Chok
(4) Brizio Adi “Hyde” Putra Budiana
(5) Worawit “Q” Mekchai
Matapos ang pagsali ni Q, bakante pa rin ang position one ng Talon. Sa lahat nang high profile hard carries na walang team, si Nuengnara “23savage” Teeramahanon – na kasalukuyang naka-stand in sa MG. Trust matapos syang ilipat sa bench sa T1 – ang nababalitang kukumpleto sa roster ng Talon.
Kung balak ng Talon na makakuha ng spot sa The International 11, magiging kritikal ang susunod na season ng team sa Division II. Hindi nakakakuha ng DPC points o seeds sa major ang mga teams nang hindi dumadaan sa Division I, kung kaya’t kailangang maging maagap ang promotion.
Kailangang magsimula nang maaga ang Talon sa kanilang campaign sa DPC SEA Division II, na nakatakdang maganap sa March 14 hanggang April 21.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.