Inanunsyo ng beteranong offlaner ng HellRaisers na si Roman “Resolut1on” Fomynok ang kanyang kagustuhan na magpahinga muna mula sa Dota 2 DPC season.

Timeout muna si Resolut1on sa Dota 2 dahil umano sa professional burnout at pangangailangan na makapag-recharge. Ito ang unang pagkakataon na magpapahinga ang 25-year-old Ukranian pro sa loob ng siyam na taon.


Limang beses na nakapaglaro si Resolut1on sa The International

Resolut1on kasama ang Digital Chaos noong TI6
Credit: Valve

Sa kanyang professional career na tumagal nang halos isang dekada, makailang ulit nang nakapaglaro si Resolut1on sa The International bilang carry o kaya midlaner.

Ang pinakamatagumpay niyang kampanya ay nangyari noong TI6 kung kailan bumida siya bilang carry ng Digital Chaos. Sila lang ang nakakuha ng panalo sa isang laro kontra sa Wings Gaming sa kasagsagan ng upper bracket run nito.

Nakarating ang DC sa grand finals pero natalo muli sa Wings, 3-1, para maitala ang runner-up finish.

Bigong makapasok si Resolut1on kasama ang HellRaisers sa TI10 matapos maglista ng third-place finish sa Eastern Europe Qualifier. Sa kabila nito, naging parte pa rin siya ng Dota 2 world championship ngayong taon bilang broadcast talent para sa Russian stream.

Sa kanyang Twitter, ibinahagi rin ng dating star midlaner ng Team Empire ang ilan sa kanyang mga plano kasama na rito ang bakasyon sa Istanbul.


Hango ito sa orihinal na artikulo ni Ahmad “Otomo” Alazawi ng ONE Esports.