Opisyal nang nakapasok sa The International 10 ang South American squad na SG e-sports matapos manalo sa SA Regional Qualifier tournament.

Nangibabaw ang SG e-sports sa Upper Bracket at kinumpoleto ang kanilang undefeated run matapos ma-outplay ang Team Unknown sa Grand Final sa score na 3-1.

Dota2 SGesportsQualifiesToTI10
Credit: Wykrm Reddy

Mahusay ang laro nila Guilherme “Costabile” Costábile at Otávio “Tavo” Gabriel sa kabuuan ng series, pero ang nakakamanghang Magnus performance ni Adriano “4dr” ang bumuhat sa SG e-sports papuntang TI10.

Wasak ang raid boss Medusa ng Team Unknown sa counterplays ni 4dr

Madaling nakuha ng Team Unknown ang unang game sa series at nasa bingit na ng pagkuha ng game 2 para maging 2-0 subalit napigil ito ng mga clutch plays ng Magnus.

Kinaharap ng SG e-sports ang isang fully farmed carry Medusa, na may Aegis of the Immortal, na lumusob sa kanilang Radiant base. Nakahanap ng tyempo si 4dr at ginamitan ng Skewer ang kalabang raid boss palayo sa kanyang mga teammates.

Pinigilan ni 4dr ang pagbalik ng Medusa ni Sebastian “Angel” Cerralta sa kanyang team sa muling paggamit ng Skewer nang dalawa pang beses. Ginamit ni Costabile ang pagkakataon para upakan ang mga natirang myembro ng Team Unknown para makapag-build up ng Essence Shift stacks  at mapalakas ang damage ng kanyang Slark.

Nang ang Medusa ni Angel na lang ang natitirang buhay, nagawa ni Costabile at ng kanyang teammates na ma-isolate at tapusin ang raid boss ng kalaban. Ang play na ito ang nagbigay sa kanila ng lamang upang ma-tie ang series 1-1.

Mula dito ay tuloy-tuloy nang kinuha ng SG e-sports ang mga natitirang games sa series, na nagbigay sa kanila ng spot para sa The International 10.

Ito na ang taon ang TI debut ng SG e-sports

Dota2 SGesportsQualifiesToTI10
Credit: SG e-sports

Mahalagang milestone ang panalong ito para sa organisasyon. Ito ang unang beses na makakapaglaro ang SG e-sports sa The International. Sasamahan nila ang kapwa South American squads na beastcoast at Thunder Predator.

SG e-sports’ roster for The International 10

  • Guilherme “Costabile” Costábile
  • Adriano “4dr” Machado
  • Otávio “Tavo” Gabriel
  • Thiago de Oliveira “Thiolicor” Cordeiro
  • Matheus “KJ” Diniz

Ang The International 10 ay gaganapin sa August 2021, pero maaring hindi ito ganapin sa Stockholm, Sweden dahil sa “current political situation,” ayon sa Valve.