Lumipat na ang versatile player na si Andrei “Skem” Ong at rising mid lane star na si Erin Jasper “Yopaj” Ferrer sa Indonesian team na BOOM Esports matapos umalis sa OB Esports x Neon.
Naunang inanunsyo ng BOOM ang pagkuha nila kay Skem (kilala rin sa IGN na “ctm”) noong Biyernes ng gabi.
Sa ngayon ay hindi pa nilalahad ng koponan kung saang role nila ilalagay ang 21-year-old pro na kayang maglaro bilang carry, offlane at position-4 support.
Nasasabik ang BOOM sa mga kakaibang ideya na pwedeng dalhin ni Skem na dating naglaro para sa North American team na Complexity Gaming.
Wala pang isang araw ang nakalipas, isinapubliko rin ng BOOM ang paglipat sa kanila ng 20-year-old midlaner na si Yopaj.
Bagong roster ng BOOM Esports
Makakasama nila Yopaj at Skem ang offlaner na si Saieful “FBz” Ilham sa BOOM Esports.
Skem (unknown role)
Yopaj (midlane)
FBz (offlane)
N/A
N/A
Sumailalim sa roster rebuild ang BOOM matapos pumalyang makapasok sa The International 10.
Umabot ang Indonesian squad sa lower bracket finals ng TI10 Southeast Asia qualifier kontra sa Filipino powerhouse TNC Predator at naipanalo pa ang Game 1 ngunit kinapos sa 63-minute na do-or-die Game 3.
Noong August 28, nagpaalam ang BOOM sa kanilang carry na si Randy Muhammad “Dreamocel” Sapoetra, pos-4 support na si Brizio Adi “Hyde” Putra at captain-hard support na si Alfi “Khezcute” Nelphyana (retirement).
Samantala, nasa inactive roster muna ang kanilang midlaner na si Rafli Fathur “Mikoto” Rahman.
Sa isang tweet, sinabi ni Mikoto na maglalaro siya bilang stand-in para sa Neon sa Moon Studio Asian Arena Season 1 at bubuo ng stack para sa BTS Pro Series Season 8 Southeast Asia.